Rabiya, gustong makaipon agad!
Kaya nag-showbiz...
Isa nang Kapuso si Rabiya, pagkatapos niyang pumirma ng three-year contract sa GMA 7 kahapon. Sa Nov. 24 ay magsisimula na siyang mag-taping sa Agimat ng Agila kasama si Sen. Bong Revilla.
Malaking honor nga raw na napili siyang makakatambal ni Sen. Bong, pero ang laking challenge sa kanyang siya ang ipinalit sa dating posisyon ni Sanya Lopez.
Kasali pa rin naman si Sanya sa season 2 nitong action-fantasy series, pero ang laking challenge raw na sa kanya ipinagkatiwala ang role, at hindi maiwasang magkaroon ng pressure sa kanya. “Ako po, I consider myself na parang kunyari po kung si Sanya ang asin, I’m an additional ingredient sa ulam.
“Hindi ko siya mapalitan. Mahal siya ng tao. Siya ‘yung nag-establish din ng Agimat. So, ako nandun…and siguro I’m willing to learn something from both of them.
“Sana po ‘pag magkasama kami sa Agimat, mas mag-strong pa po ‘yung friendship namin,” pahayag ni Rabiya sa kanyang virtual mediacon na ibinigay ng GMA 7 pagkatapos pumirma ng kontrata.
Ang pamilya, lalo na ang kanyang ina ang nagbibigay ng lakas ng loob para pasukin ang pag-aartista. Siya lang ang mag-isa sa Maynila at nasa Iloilo pa rin ang kanyang pamilya. Pero hindi naman daw nagkulang ng payo ang kanyang ina. “Sinabi niya (mother) sa akin, if you really want this one, I’m gonna fight for you. Just make sure na your mind and your heart are 100 percent in the perfect place in show business.
“And I told my mom na I’m gonna take the risk. I’m gonna do it, kasi this is also my dream. I don’t wanna have regrets in life.
“I’m doing this for you guys as well. Kasi aminin po natin mas madali po tayong makakaipon, mas malaki po ‘yung opportunity na maibibigay po sa atin. So, ngayon po si Mama supportive siya. But she’s in Iloilo with my brother. Ako lang po sa Manila, solo. Independent,” saad ng dating Miss Universe Philippines.
Masaya siya ngayong single siya, at hindi naman daw siya naghahanap ng boyfriend sa ngayon.
Nagtataka nga raw siyang walang nanliligaw sa kanya ngayon. Pero okay lang daw at hindi naman daw siya nagmamadali. “Siguro hindi ko naman po hinahanap ‘yung pag-big ang I learned my lesson from what happened in the past, ‘yung issues in the past.
“Siguro po, if magbu-boyfriend ako, hindi natin masasabi. Siguro sana non-showbiz tapos itatago ko na lang po. Para at least…kasi hindi madi-discover ng public ‘yung bagay na hindi nila alam,” napapangiti niyang pahayag.
Alden, pinaghahandaan ang paglipad sa Amerika
Sa darating na Lunes, Nov. 22, ay babalik na sa GMA Primetime ang karugtong ng The World Between Us.
Mahabang proseso ang pinagdaanan nito para matiyak na mas matindi itong susunod na mapapanood sa drama series ni Alden Richards. Ang laki rin daw nabago sa lifestyle ni Alden nang pinaghandaan niya ang transition ng role niya rito bilang si Louie Asuncion.
“Ako naman po, para sayangin po nila ‘yung oras nila sa mga bagay po na ganyan, mag-focus na lang po sila sa ibang bagay. Mag-focus on themselves rather than putting other people down and other projects down na hindi nagsu-surpass sa expectations nila. Kasi at the end of the day, we know to ourselves as being in this project we know that we did a good job, a great job rather na ipakita at maipagpatuloy ang istorya ng The World Between Us.
“So, God bless na lang po sa kanila and Merry Christmas at Happy New Year. Bago bago din po, magnu-New Year na”
Natapos na nina Alden ang taping at pinaghahandaan na niya ang kanyang bakasyon sa darating na Pasko sa Amerika kasama ang kanyang pinsan na lilipad pa-San Francisco, California para doon mag-Pasko at Bagong Taon. Ididiretso na rin daw niya sa kanyang kaarawan sa Jan. 2. Nandun kasi ang kuya niya sa San Francisco. “Kasi after two years, ‘yun po ang pinakauna kong international flight ulit,” pakli ni Alden sa nakaraang virtual mediacon ng The World Between Us.
Gusto sana ni Alden na isama ang kanyang pamilya, hindi lang pumuwede dahil hindi raw sila makakuha ng schedule sa US Embassy para sa US visa.
- Latest