^

PSN Showbiz

Barbie, dinadawit sa hiwalayan nina Alodia at Wil

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Barbie, dinadawit sa hiwalayan nina Alodia at Wil
Barbie at Diego
STAR/ File

Diego sumagot agad...

Sumawsaw sa hiwalayan ng social media stars na sina Alodia Gosiengfiao and Wil Dasovich ang isa pang social media personality na si Xian Gaza.

Ito ay matapos siyang magpa-blind item kung paano diumano na-caught in the act ni Alodia ang karelasyong si Wil sa naiwang iPad na naging way para ma-trace sa isang hotel ang lalaki at nahuli nga diumanong kayakap ang isang Star Magic star.

Hindi pinangalanan ni Gaza ang mag-ex pero silang-sila base sa post nito.

Nauna nang lumutang ang pangalan ni Barbie Imperial na kinokonek diumano sa hiwalayan ng dalawang sikat na vlogger / gamer.

Pero mabilis si Diego Loyzaga. Kahapon ay nag-post siya ng sweet photo nila ng girlfriend na si Barbie. “Dont get caught up in all that noise. Its just noise.

“My baby gurl and I are chilllin. So sit back, relax, enjoy life,” ayon sa caption nito.

Sumagot naman agad si Barbie. “Aww mahal ko.. i love you!”

Pa-grabe ang mga isyung pinagkakaabalahan sa social media lately dahil nga siguro kahit na parang nagkakaroon ng kaunting kanormalan sa paligid, nabago na ang habit ng karamihan dahil sa matagal na mga lockdown dahil sa pandemya.

vuukle comment

BARBIE

DIEGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with