^

PSN Showbiz

Rayver pinaghahandaan na sana ang proposal!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Rayver pinaghahandaan na sana ang proposal!
Janine
STAR/ File

Janine gustong mag-grow… pinabura ang mga litrato sa social media

Marami rin ang nabigla sa pumutok na balitang isang buwan na palang break sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz. Ayon sa ilang sources namin, si Janine raw ang nakipag-break.

Ang sabi raw kay Rayver ay gusto raw niyang mag-grow. Hindi lang namin alam kung anong growth ang gusto niya, para sa sarili o pati sa kanyang career.

Siya rin daw ang nagsabi kay Rayver na tanggalin na ang pictures niya sa Instagram account niya. Kaya si Rayver ang unang nagtanggal ng pictures bago si Janine.

Ilan sa mga taga-GMA na nakatsikahan ko, napapansin na raw nila nung mga nakaraang linggo na hindi ganun ka-energetic si Rayver.

Halatang malungkot, at hindi raw ‘yung usual na Rayver na may pagkakulit at laging nakangiti sa mga nakakasalamuha niya sa studio.

Nitong mga nakaraang linggo ay napapansin daw nilang laging seryosong nag-uusap sina Rayver at Julie Anne San Jose.

Maaaring sini-share niya kay Julie Anne ang nangyari sa kanya dahil close naman talaga sila. Kaya nga siguro umiiwas na si Julie Anne kapag tinutukso silang dalawa, dahil nga sa pinagdaanan ni Rayver.

Sinasabi naman kasi talaga ng Limitless star na sobrang kampante siya kay Rayver dahil naging close friends nga sila. Kaya natuwa raw siyang si Rayver ang kinuhang special guest niya sa kanyang Limitless concert na kinunan pa sa Siquijor.

Huwag na lang siguro lagyan ng malisya ang closeness ng dalawa.

Nilinaw naman sa hiwalayang Rayver at Janine na walang third party involved sa kanilang breakup.

Ewan ko lang kung totoo ‘yung isa pang nasagap naming pinaghahandaan na raw ni Rayver ang pag-propose kay Janine.

Ready na rin kasi ang Kapuso actor na mag-settle down dahil nakapagpundar na siya ng sariling bahay, maayos naman ang kanyang showbiz career, kaya handa na itong magpakasal. Kaya binabalak na raw nitong mag-propose at inaayos na niya ito, pero nauwi lang pala sa hiwalayan.

Sana maayos at magkakaroon ng balikan sa kanila ni Janine.

Dennis at Jennylyn, sa studio ni Kathryn ikinasal!

May ilang taong malapit sa bagong kasal na Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang kinulit namin para hingan ng detalye ng kasal, pero ayaw nilang magbigay.

Ang ilan sa nasagap namin ay gusto na raw talaga ni Dennis na magpakasal na sila kaya siya nag-propose na ilang linggo lang ang nakaraan.

Nung Lunes, Nov. 15, nga raw ng uma­ga ginanap ang kasal at iilan lang daw ang nag-ayos ng seremonya na ginawa sa studio / event place ni Kathryn Bernardo na malapit sa tahanan ni Jennylyn.

Isang justice ang nagkasal sa kanila, at nakikita raw talaga ang sobrang kasiyahan ng dalawa.

Iyon naman daw talaga ang gusto nila, simple lang kasama ang ilang miyembro ng pamilya at malalapit na kaibigan.

Isa kami sa natuwa para kay Jennylyn dahil masasabing settled na siya at meron na siyang pamilya.

Congratulations sa bagong kasal!

RAYVER

Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with