^

PSN Showbiz

Female celeb, pangmumurahin pa rin ang decor sa bahay kahit nagkakamal ng salapi

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Usung-uso ngayon ang pagpapakita ng mga artista sa kanilang bahay sa pamamagitan ng vlog nila. Kapuri-puri ang mga personalidad na mahusay humawak ng kanilang kabuhayan.

Una nilang inasikaso ang pagkakaroon ng sariling bahay, sinikap talaga nilang bigyan ng magandang bubong ang kanilang pamilya, bago ang kanilang mga kapritso.

At kapuri-puri ang kanilang ipinatayong bahay, pati ang interior design ay pinaghandaan nila, ginastusan mula sa pinaghirapan nilang pera.

May naalala ang aming impormante dahil du’n, sabi nito, “Pero hindi nabibili ang taste, ha? Kapag wala ka nu’n, e, wala talaga! Meron ka mang ipagpapatayo, sagana ka man sa salapi, e, balewala rin ‘yun kung wala kang taste.

“Hindi ‘yun nabibili. Hindi rin nahihiram, kapag wala kang taste, ‘yun na ‘yun!” unang kuwento ng aming impormante.

Ang tinutukoy nito ay isang female celebrity na sinuwerte sa buhay, nagkamal siya ng salapi, pero walang taste.

Patuloy ng aming impormante, “Walang-wala siyang taste talaga, kinokontra nga niya ang mga idea ng interior designer. Hindi raw maganda para sa kanya ang gustong maging ayos ng bahay nila.

“Nu’ng una silang magpatayo ng bahay sa kanilang probinsiya, e, maganda lang ‘yun sa unang tingin. Para kasing mansiyon ang housing authority nila!

“Pero kapag pumasok ka na sa malaking bahay, e, du’n na magkakaalaman. Wala talaga siyang taste! Ang lahat ng sulok ng bahay, e, may malala­king vase na puro plastic na bulaklak ang laman!

“Hitsura ng flower shop ang bahay nila, ‘yun nga lang, puro fake flo­wers ang naka-decorate! Ang mga dingding nila, nakakalokah! Ang mga paintings na nakakabit, parang binili lang nila sa mga naglalako sa kalye!

“Alam n’yo ‘yung manipis na frame na ang obra, e, kung anu-ano lang! Ganu’n ang nakaadorno sa malaking bahay nila! Ayaw niyang kumuha ng interior designer, hindi kasi siya nagagandahan sa gustong maging itsura ng bahay nila.

“Ang mahal-mahal raw ng talent fee ng designer, ang mamahal pa ng mga gustong i-display sa bahay nila, pero hindi naman siya nagagandahan!” natatawang kuwento pa ng aming source.

Hindi nga nabibili ang taste. Kung ano ang kinasanayan at kinalakihan ay ‘yun ang kanyang hinahanap.

“Kahit naman sa pananamit, e, nakakalokah siya, di ba? Branded nga, pero halu-halo naman kung isuot niya, masabi lang na madatung talaga siya!

“Hindi talaga nabibili ang taste kahit pa bilyones ang pera mo!” pagtatapos ng aming impormanteng tawa pa rin nang tawa.

Ubos!

Enchong, nayari sa paghingi ng tawad

Isa si Enchong Dee sa mga personalidad na mulat sa mga nagaganap sa ating bayan. Magandang katangian ‘yun, ang bawat isa sa atin ay dapat lang namang magmatyag, kailangang maging mapanuri tayo sa kung saan napupunta ang laman ng kaban ng ating bayan na ang pinagkukunan ay ang buwis na ating binabayaran.

Nabasa namin ang halos lahat ng posts ni Enchong Dee tungkol sa mga kinakalampag niyang pulitiko at sa mga inaalmahan niyang kaganapan sa ating bayan.

Kung minsan ay tinatamaan niya sa ulo ang pako, may katotohanan ang kanyang pahayag, pero meron din siyang mga posts na naglalantad sa kanyang kulay-pulitika.

Pero sabi nga, palaging may kalapat na takip ang palayok, nakatiyempo siya ng isang pulitikong hindi kayang lunukin ang kanyang mga pahayag.

May itinakda para siya sampulan ng kasong cyber libel dahil sa kanyang paghusga na ang pera ng organisasyong pinamumunuan ng pulitiko ay ginastos sa kanyang pagpapakasal.

Binawi rin niya agad ang kanyang post, pinalitan niya ‘yun ng panghihingi ng dispensa, isang aksiyon na mas magdidiin pa pala sa kanya.

Isang bilyong pisong danyos ang hinihingi sa kanya ni Representative Claudine Bautista Lim ng DUMPER Party List. Hindi nito pinahalagahan ang kanyang pagbawi, naging ebidensiya pa ‘yun sa kanyang paghusga sa kongresista, ayon sa abogado nito.

At napakalayo ng kailangan niyang sadyaing piskalya, talagang inabala si Enchong, hindi ganu’n kadali ang magbiyahe sa malayong probinsiya nang maraming-maraming beses.

Malaki na ang bayad sa eroplano ay mahal pa ang bayad sa abogado pero walang pamimilian si Enchong Dee kundi ang dumating nang personal sa pagdinig ng kaso.

Napakamahal ng matrikulang kailangan niyang pagbayaran pero sigurado namang may leksiyon siyang matututuhan.

ENCHONG DEE

FEMALE PERSONALITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with