^

PSN Showbiz

Tali, baby sister ang birthday wish kina Vic at Pauleen

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Tali, baby sister ang birthday wish kina Vic at Pauleen
Vic, Tali at Pauleen
STAR/ File

Baby sister ang birthday wish ni Talitha sa kanyang fourth birthday nung nakaraang Sabado.

Ito ang sinabi niya sa Eat Bulaga nang tanungin siya nina Jose Manalo at Paolo Ballesteros pagkatapos niyang mag-blow ng candle sa kanyang cake.

Bahagi na nga kasi ng mga Dabarkads ang unica hija nina Vic Sotto at Pauleen Luna kaya sinilebrayt na rin ang kanyang kaarawan bago sinimulan ang segment nilang Bawal Judgmental.

“Matagal na niya pinagdarasal,” text sa akin ni Pauleen nang tinanong ko siya kung gusto na nga ba talaga ni Tali na magkaroon ng baby sister.

Sabi ko nga sa kanya, napakabait na bata ni Tali dahil hindi siya nagseselos kung sakaling magkaroon na nga siya ng kapatid. “’Di siya nagseselos, NGAYON! ‘Pag meron na ewan ko rin (laugh emoticon),” text back uli sa akin ni Pauleen.

Pero mahilig daw talaga sa baby si Tali at nakikita naman daw talaga nilang mabait siyang bata. “Napakalambing na bata. Wala na kaming mahihiling pa,” dagdag niyang text.

Simpleng salu-salo lang daw sila kasama ang pamilya, lalo na’t ang dami namang mga bata sa kanila.

Pero may dalawang friends daw si Tali na pinaimbita at wala naman daw talagang party. Nag-prepare lang daw si Pauleen ng activities para sa mga bagets. “Ang request lang niya this birthday eh to ‘open presents, hehehe,”  dagdag niya pang text.

Pero kahit sina Pauleen at Bossing Vic ay wish na ring magkaroon ng kapatid si Tali.

Nasa Panginoon naman daw kung mabibiyayaan pa sila ng isa pang anak. Pero sobrang saya na raw sila kasama si Tali.

Yorme, ‘di isinali sa MMFF

NIlinaw sa amin ni direk Joven Tan na hindi pala nila isinumite sa Metro Manila Film Festival ang pelikula nilang Yorme: The Musical. Ang original plan daw talaga nila ay isali ang naturang pelikula sa MMFF, pero bago dumating ang araw ng deadline ay napagkasunduan na raw nilang huwag na lang nila isali, dahil nung panahong iyon ay wala pa raw katiyakan kung magbubukas ang mga sinehan.

Nagpa-book na raw sila ng Dec. 1 na playdate, pero hindi pa rin daw masabi ni direk Joven kung talagang matutuloy dahil as of today ay wala pa rin naman daw nagbubukas na mga sinehan.

Ang sabi, sa Nov. 10 na pero hindi pa rin daw masasabi sa ngayon kahit bumaba na sa Alert level 2 na ang quarantine natin sa NCR.

Pero marami na raw naghahanda ng premiere showing ng naturang pelikula.

May ilang grupo raw na gustong mag-sponsor ng premiere night na gagawin sa kabubukas lang na Metropolitan Theatre, pero hindi pa raw niya masabi kung matutuloy. “Hindi ko kasi alam. Ang daming nag-sponsor, may mga plano sila para sa movie pero wala pa silang na-confirm. Naghihintay na lang ako,” pakli ni direk Joven nang nakausap ko sa telepono nung nakaraang Sabado.

Kinlaro niya rin sa akin na ang Saranggola Productions ang producer ng naturang pelikula at hindi si Mayor Isko Moreno. “Ibinigay lang niya ang story sa amin. Hindi niya tinanggap ang bayad sa rights ng story, ipina-donate niya,” sabi pa  ni direk Joven.

“Binasa lang niya ang script, in-approve niya. May mga sinagest lang siya na gaganap, pero hindi naman niya pinakialaman talaga. One day bago ang last shooting day, ipinakita namin sa kanya ang na-shoot namin. Okay naman siya.

“Meron lang siyang pinabago na minor lang sa ending,” dagdag na pahayag ni direk Joven.

TALI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with