Foreign films nakapila sa pagbubukas ng mga sinehan, pelikulang Tagalog nakaimbak lang?!
Naglabas din ang MTRCB ng listahan ng mga sinehang magbubukas sa Nov. 10.
At so far, wala ang cinemas ng SM Supermalls sa listahang iyon.
Unless ‘di updated ang nasabing list ng MTRCB na may bagong chairperson na, si Atty. Ogie Jaro.
Signed ang nasabing media release ni MTRCB Executive Director II and Spokesperson Jose Benjamin Benaldo.
Ang Cinema Exhibitors Association of the Philippines ang kanilang source na ang last update ay last Nov. 1 at sa Nood Tayo Ng Sine Facebook post ng Film Development Council of the Philippines.
Unless nagkaroon ng changes.
Tulad ng FDCP, nanawagan ang MTRCB na maging maingat sa pagsunod sa health protocols kung manonood ng sine : “We encourage all moviegoers to strictly observe minimum public health standards while keeping in mind the MTRCB film ratings as guide when choosing age-appropriate film content.”
Sinubukan ko silang tanungin kung anong mga pelikula na ang na-review nila for exhibit sa Nov. 10, pero as of presstime ay wala pa akong natatanggap na sagot sa office ni Mr. Benjo (Jose Benjamin).
Heard na lahat foreign films ang nagpa-review para sa reopening ng mga sinehan sa National Capital Region na halos dalawang taong sarado dahil sa pandemya.
Sa lumabas sa GMA.com, naka-schedule sa Nov. 10 ang Dune and A Quiet Place Part II; Nov. 17 : Black Widow and No Time To Die at sa Nov. 24 : Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings and Malignant.
Ahh nasaan kaya ang puwang ng Tagalog films?
Ayon kay senatoriable Herbert Bautista, sa pagkakaalam niya maraming nakaimbak na pelikula ang mga local producer kaya nanawagan siya na sana’y unahin naman ng mga sinehan ang local films para magkaroon ng pag-asa ang industry leaders na ipagpatuloy ang paggawa ng pelikulang Tagalog at hindi mabaon ang maraming namumuhunan.
Bagama’t sa mga sinehan na ipalalabas ang mga pelikulang kasali sa gaganaping QCinema 2021.
Ipalalabas ito sa Gateway Cineplex 10 mula Nov. 26 hanggang Dec. 5. Pero maaari rin itong panoorin online, sa KTX.ph
Matagal ding nagsara ang mga sinehan kaya maraming nakaka-miss mag-bonding sa mga sinehan though iba na ngayon ang magiging setup sa pagbubukas nito this month dahil 50% indoor capacity for fully vaccinated (from Nov. 5 to 21) lang ang capacity at bawal magtanggal ng face mask habang nanonood ka. Bawal ding kumain at mag-usap.
Wala pang balita kung magkakaroon ng pagtaas sa entrance fee.
Bago nagkaroon ng pandemya ay almost P500 na ang admission fee.
- Latest