MMK 30 years na, Charo Santos nakapiling na ang mga apo
Grabe, 30 years na pala ang MMK hosted by Charo Santos-Concio.
At sa ika-30 taong anibersaryo nila, mapapanood muli ngayong Nobyembre ang hindi makakalimutang mga episode tampok sina Coco Martin, Anne Curtis, Dimples Romana, at Angel Locsin.
Mapapanood muli ang unang pagtatambal nina Coco at Jodi sa MMK sa Nob.13 (Sabado). Gagampanan ni Coco si Ramon, isang underground boxer. Sa kanyang pagbubuo ng pamilya kasama ng asawang si Mila (Jodi), pinili niyang lisanin ang nakagisnang buhay. Ngunit nang magsisimula na siya sa kanyang bagong tatahakin ay makakagawa siya ng isang krimen na magdudulot ng sakit at galit mula sa kanyang pamilya. Alamin kung paano siya nagbago at maging isang mabuting tatay at asawa sa kanyang pamilya.
Sa Nob. 20 (Sabado), mababalikan din ang kwento ni Marrz Balaoro, ang founder ng FILGUYS Association sa Hong Kong. Mula pagkabata, alam na ni Marrz na hindi siya tulad ng kanyang mga kapatid na babae. Dahil sa pagtutol ng kanyang ama sa kanyang kasarian, minabuti ni Marrz na makipagsapalaran sa Hong Kong para makamit ang inaasam na kalayaan at independence. Sa kabila ng pangungutiya ng mga tao, mananaig kay Marrz na yakapin ang kasarian at tulungan ang mga kapwa niyang taga- LGBTQIA community.
Sariwain din ang kwento ng 2018 Asian Academy Creative Awards Best Single Drama/Telemoviena Kotse-Kotsehan tampok sina Angel at Dimples. Sa Nob. 27, mapapanood ang bersyon ni Samina (Angel) ng kwento tungkol sa pagkakita niya sa anak ni Idai (Dimples),na sinasabing na-kidnap, at sa pagkupkop niya rito. Patutunayan niya rin ang kanyang pagkainosente sa binibintang sa kanyang krimen.
By the way, happy lola si Madam Charo dahil nakikita na niya ang kanyang mga apo na matagal niyang hindi nakayakap at hanggang virtual bonding lang sila.
Pero sa isang post niya weeks ago, nakita na niya ang mga ito. “Hay… my heart! Such a joy to see my grandchildren together!! #happygrandma,” post ni Ate Charing.
- Latest