^

PSN Showbiz

Aktor, marami pang bala sa ex!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakalibing na dapat ang kontrobersiyang nagsasangkot sa isang female personality at sa nakarelasyon nitong lalaking personalidad pero biglang nabuhay na naman ang isyu.

Dahil sa isang simpleng pagpuna ay nabulabog na naman ang magkabilang kampo, nagbabatuhan na naman sila nang masasakit na salita ngayon, at mukhang tumitindi pa ang kanilang mga patutsadahan.

Kuwento ng aming source, “May katotohanan naman kasi ang sinabi ng male personality na napakalaki ng nawala sa kanya dahil sa controversy sa kanila ng girl!

“Siya dapat ang makaka-partner ng isang kilalang female personality, pero nu’ng sumabog ang issue sa kanila, e, humanap na lang ng ibang male personality ang production.

“Dapat ngang magpasalamat sa kanila ang male personality na ipinalit sa kanya, sumikat ‘yung guy, para sa kanya dapat ‘yun!” unang kuwento ng ­aming impormante.

Dapat din daw malaman ng ina ng female personality na ang anak nito ang sumbong nang sumbong sa male persona­lity ng hindi nila pagkakasundo ng kanyang mommy.

Balik-kuwento ng aming source, “Di ba, wala namang malalaman ang guy kung hindi nagkukuwento sa kanya ang girl? Problematic kasi ang mag-ina nu’n, marami silang hindi pinagkakasunduan, naikukuwento ‘yun ng girl sa boyfriend niya!

“Kung magkukuwento nga ang mommy ng guy, e, napakaraming kuwentong lalabas! Nakakaloka ang mga puwede nilang ikuwento, sa totoo lang! Galing mismo sa girl ang mga issue, kaya kapani-paniwala!

“Buti nga at hindi nakikialam sa issue ang pamilya ng male personality, dahil kung makikisawsaw sila, e, siguradong mas maraming iskandalo ang lalabas!

“Mas mabuting tahimik na lang sila, huwag na silang makihalo pa, dahil magiging malaking controversy pa ang sasabog!” sabi na lang ng aming source.

Na-bash din nang todo nu’n ang male personality, kung anu-anong masasakit na salita ang ipinukol sa kanya ng kampo ng girl, pero vindicated din naman siya nu’ng bandang huli.

Huling komento ng aming impormante, “Sino ang napahiya? ‘Yung male personality ba? Nakakaloka! Lumabas din ang totoo na hindi naman pala siya ang dapat sumagot sa obligasyong ipinatatanggap sa kanya ng girl!”

Ubos!

kaluluwa ni mahal, hindi natatahimik dahil sa hinahanap na pera

Dapat ay nananahimik na ngayon ang kaluluwa ng komedyanang si Mahal. Dapat ay ipinagdarasal na lang natin ang katahimikan ng kanyang kaluluwa pero hanggang ngayon ay may mga nagaganap pa ring kaguluhan tungkol sa kanyang pagpanaw.

Kinukuwestiyon ng kapatid ni Mahal kung saan napunta ang naipon niyang pera mula sa mga proyektong ginawa niya nu’n. Said na said daw ang bank book ng munting komed­yana.

Hindi naman naghahabol ang pamilya ni Mahal, nagtatanong lang sila, wala rin silang tinutukoy kung sino ang umubos sa pera ng kanilang kapatid.

Natural, sa paglabas ng pagtatanong ng kapatid ni Mahal ay papasok sa isip ng marami ang kanyang kaibigan na si Mygz Molino, sa poder nito pumanaw ang komedyana.

Matagal na panahong tumira sa bahay nina Mygz sa Batangas si Mahal, masayang-masaya siya sa mga vlogs nila ni Mygz, kitang-kita ang kaligayahan ng komedyana kapag magkasama sila.

Sa pagkakaalam namin ay palagi pa ngang abonado si Mygz sa mga munting kapritso ng komedyana. Mahilig sa magagarang damit si Mahal, sa magagandang sapatos, si Mygz ang bumibili nu’n para sa kanya.

Mas magandang huwag nang kinukuwestiyon ang pera ng komedyana. Matagal na panahon na namang natulungan ni Mahal ang kanyang pamilya. Mapagmahal si Mahal sa kanyang mga kapatid lalo na sa kanyang pumanaw na ama.

Isantabi na lang sana ang isyu ng pera. Hindi maganda sa panlasa ang ganu’ng pagtatanong kahit pa wala namang naghahabol.

Alalahanin na lang natin ang masasayang panahong nakasama natin si Mahal. Nagbigay siya ng aliw sa ating mga kababayan, marami siyang pinasayang mga Pinoy sa ibang bansa, ‘yun na lang dapat ang ating tutukan.

Ipanalangin na lang natin ang katahimikan ng kanyang kaluluwa saan man siya naroon ngayon. ‘Yun din ang gusto ni Mahal. Ayaw niya ng may mga nag-aaway-away. Lalo na kung pera ang dahilan.

FEMALE PERSONALITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with