Isang banker na mang-aawit, magbibigay ng pag-asa
MANILA, Philippines — Bukod sa kanyang propesyon, ang Curve Entertainment’s inspirational crooner na si Jeffrey Querubin, ay inilunsad din bilang isang singer. At naniniwala siya na ang lahat ng bagay ay may tamang panahon.
“I believe that God gave me the right moment to be an inspiration to a lot of people,” ayon kay Jeffrey, na isang singer-songwriter. “Until now, we are still experiencing this pandemic. We need to be uplifted and be inspired. We need to see hope and light always.”
Gayunpaman, hindi naging hadlang ang pandemya para ilunsad ni Jeffrey ang kanyang inspirational songs. Kamailan lang ay inilabas din ng mang-aawit ang kanyang solo inspirational album, Makakarating Din, isang 10-track musical outing bannered by the carrier track na Kapit Lang, na nominado sa Awit Awards for Best Inspirational Recording ngayong taon.
Bukod pa sa pagiging abala sa kanyang singing career, abala rin ang singer-songwriter bilang isang banker, na para sa kanya ay pinakamalaking biyayang natanggap niya ngayong pandemya.
Bata pa lang ay may puwang na sa puso ni Jeffrey ang pagkanta bilang miyembro siya ng kanilang church choir. Aktibo rin ito sa pag-perform noong estudyante pa lamang sa iba’t ibang school activities at events sa isang public school sa Vigan, Ilocos Sur.
Jeffrey took up BS Accountancy, with Master In Business Administration at the University of Northern Philippines in Vigan City, Ilocos Sur. May background rin siya sa Philosophy at Christ the King Mission Seminary in Quezon City, kung saan siya ay dating isang seminarista. Siya ay kasalukuyang area head ng Philippine National Bank in North Luzon.
“I want to be known as a singer-songwriter who is inspiring,” ani ng singer. “I am ready to inspire others through my life, through the songs I have written.”
Kamakailan, inilunsad din ni Jeffrey ang kantang Lipad, na orihinal na kinanta ni Lea Salonga. Isinulat din niya ang Christmas song, Sandal Lang sa Pasko, for Curve Entertainment’s holiday album Ang Kulay ng Pasko.
- Latest