^

PSN Showbiz

Lalaking pulitiko na mabilis nakalimot nang manalo noon, tinanggihan ng mga financier kaya umatras sa laban!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May matinding dahilan pala kung bakit biglang nagbago ang isip ng isang male politician sa pagtakbo sa darating na eleksiyon.

Wala na pala ang mga dati niyang kaibigang sumusuporta sa pagtakbo niya, may iba nang minamanok, dahil hindi tumupad ang male politician sa kanyang mga pangako nu’ng manalo siya.

Kuwento ng aming impormante, “Mahirap na pala siyang makausap nu’n, hindi na niya nabibigyan ng panahon ang mga taong sumuporta sa kanya. Ayun tuloy, nang humihingi uli siya ng suporta sa mga dati niyang financiers, wala nang sumagot sa kanya!”

Madali raw makalimot ang male politician, parang nagkaroon na siya ng amnesia nu’ng manalo na siya, kaya ang nagkakaisang opinyon ng mga tumulong sa kanya—never again!

Pahabol pa ng aming source, “Saka hindi na siya kasing-popular nu’n. Nakapakarami nang ipinanganak na magagaling sa hanay niya.

“Wala na siyang puwedeng gawin ngayon kundi ang umurong na lang sa laban dahil wala nang susuporta sa kanya. Waley na, mga kababayan!” madiing pagtatapos ng aming soure.

Ubos!

Pulitiko walang sariling desisyon

Nagsalita na ang isang dating staff ng isang pulitikong hindi kuno uurong sa pagtakbo sa mataas na posisyon. Nakakagulat ang mga rebelasyon nito, kung totoo ang lahat ng kanyang mga kuwento ay nakapagdadalawang-isip nang regaluhan ng boto ang pulitiko, dahil napakadali pala niyang maniwala sa mga bulong.

Kuwento ng aming source, “Grabe! Ganu’n pala ang politician na ‘yun? Ang dali-dali niyang ma-sway ng Bulong Brigade niya! Sinabi lang sa kanya na maganda ang boses niya, gumawa na siya agad ng album?

“Sinabi lang ng mga tagabulong niya na magaling siyang umarte, gumawa na agad siya ng pelikula? Napakadali niyang maniwala, agad-agad siyang nagdedesisyon, kahit pa hindi naman totoo ang sinasabi ng mga amuyong niya!

“Naku, baka kapag nanalo siya na malabo namang mangyari, e, ang mga tagabulong niya rin ang paniwalaan ng politician? Baka ang mga ‘yun din ang sundin niya!

“Nakakalokah! Wala siyang sariling desisyon? Teka lang naman muna, mahirap ang ganu’n, mga amuyong niya ang magpapatakbo ng ating bayan?” tanong-opinyon na pagtatapos ng aming source.

Isa pang ubos!

Kylie at tattoo artist laging nakikita

Ilang taon na ang nakararaan ay narating na namin ang Daraitan sa Tanay. Kasama sina Japs Gersin at Tina Roa at halos isandaan naming pintor ay dumayo kami du’n para sa isang on-the-spot-painting.

Napakaganda ng lugar, isang mataas na bahagi ng Daranak Falls ang pinili naming ipahanda ang catering, napakasaya naming lahat mula umaga hanggang gabi.

Mayaman ang bayan ng Tanay. Ang bulubunduking lugar nila na paboritong dayuhin ng ating mga kababayan dahil parang nakagapang nang paikot ang bundok, ang sariwang hangin, napakasarap magpalipas nang mahapon sa Tanay.

Naalala namin ang Daraitan dahil may mga impormanteng nagbibigay ng mga kuwento na nakita nila du’n si Kylie Padilla at ang napapabalitang karelasyon niyang tattoo artist.

Inilarawan pa ng mga ito ang diumano’y boyfriend ngayon ni Kylie na maputi, mahaba ang buhok, pero hindi guwapo. Palagi raw silang nagki-kiss, sabi pa ng mga miron, ibig sabihi’y palagi silang naghahalikan.

‘Yun ang pinaninindigan ng mga taga-Tabing-Ilog, Daraitan. ‘Yun din ang dahilan kung bakit pinagtawanan lang ng mga ito ang pagdedenay ni Kylie sa panayam ng KMJS.

Bakit daw napakalakas ng loob ni Kylie na magdenay tungkol sa tattoo artist, samantalang ilang araw silang namalagi sa Daraitan, at maraming nakakita sa kanila du’n.

Hindi natin alam kung sino sa kanila ang nag-iimbento lang ng kuwento, hindi rin natin alam kung isang tattoo artist nga ba ang bagong karelasyon ni Kylie, pero ‘yan ang kuwentong lumalabas na pinagpipistahan ngayon.

Ayon sa isang source na nakausap namin ay malayo nang magkabalikan pa sina Kylie ay Aljur Abrenica. Ang komento pa nga ng aming kausap, “Nakalabas na si Aljur sa kulungan, papasok pa ba naman siya uli?”

Ano kayang kulungan ang tinutukoy nito? Ibig bang sabihin ay napakatindi ng mga sakripisyong pinagdaanan ng aktor kay Kylie?

Kulungan. Kalayaan. Malalim ang kuwento tungkol sa dating mag-asawa.

 

vuukle comment

POLITICIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with