^

PSN Showbiz

Araw ng mga patay, maraming alaala!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Araw ng mga patay, maraming alaala!
St. Theresa

Araw na ng mga Patay next week, Salve. Siyempre melancholic at medyo sad ang paligid dahil naalala ang mga mahal mo sa buhay na nauna sa atin.

Ang mother ko ang unang death sa family namin.

Shocking dahil doon mo lang mare-realize na totoo pala ang death, ‘pag sa iyo mismo nangyari.

That time, parang kainitan ng career ko, iyon ang panahon ng Gabby Concepcion / Sharon Cuneta. Parang lady of the hour ako, lahat nakabantay sa pag-handle ko kay Gabby.

Pero nasa team din ako ng mga publicist nina Dolphy / Alma Moreno, Rudy Fernandez / Lorna Tolentino.

Very close ako kay Mother Lily Monteverde at Manay Ichu Maceda. Kaya imagine mo kung ano ang eksena sa lamay ng nanay ko.

Sa alaga lang ni Douglas Quijano at mga alaga ko, star-studded na ang punenarya.

Dahil una ngang death sa family, first experience ang lahat. ‘Yung ‘pag dumarating ang mga taga-showbiz, taranta ako, pinauurong ko sa upuan ang mga bisita ng tatay ko, mga kachikahan ng nanay ko. Siyempre, mga star ang bisita ko. Napagalitan ako ng father ko “kilala ba sila ng nanay mo, bakit ‘yung mga kilala niya, iyon ang pinauurong mo?” So, dahil doon, naisip ko, Oo nga, parang ang gulo-gulo ‘pag maraming tao sa lamay.

Mula noon, ‘secret’ na ‘pag may nawawala sa amin. At ewan ko ba, usually, ‘pag election time, doon pa kami namamatayan. Dahil nga madalas may pa-presscon ako, kung minsan nakaburol ‘yung patay namin, nandun ako sa presscon ng isang tinutulu­ngan kong kandidato. Dahil siguro meron akong emotional discipline natatago ko ang sadness o problema.

Ang talaga lang kita mo sa akin ay ‘yung galit dahil medyo confrontational ako. So, ganun ang naging kalakaran ‘pag namamatayan kami. Tatlong tao lang ang usually nakakaalam, si Gorgy, Jojo at Belinda.

Binibiro nga ako ni Douglas Quijano na sayang ang ‘fundraiser’ dahil dapat marami akong makuhang abuloy dahil nga sa rami ng kakilala ko, pero dahil sikreto, ayun, waley, hah hah.

I don’t know kung ano ang mission ko sa buhay, kung bakit ako ang pinakamatanda at panganay, pero nauna pa silang nawala. I don’t know what, pero alam ko that God was so good to me. St. Theresa, please pray that when the time comes, I will die peacefully without pain.

ALL SOUL'S DAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with