^

PSN Showbiz

Aktres, tiklop sa pagmamatapang sa kumpanyang nagpasikat sa kanya

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Marami nang personalidad na bumangga sa pader. Sila ang nabukulan. Walang nangyari sa kanilang ipinaglalaban. Hilot-bukol lang ang nagawa nila.

Isang kilalang babaeng personalidad nu’ng kasagsagan ng kanyang popularidad ang nagdemanda laban sa kanyang network. May kaangasan ang female personality. Ipakukulong daw niya ang mga ehekutibo ng network.

“Ano ang nangyari nu’ng kasuhan siya ng istasyong nagbigay ng chance sa kanya na makilala, meron ba? Olats siya sa demanda, lotlot and friends ang inabot niya!

“Matatag pa rin ang istasyon, siya ang nabukulan, nawala siya sa gitna ng action. Nganga siyang bigla!” unang komento ng aming impormante.

Isa pang mas batang female personality ang gumaya sa ginawa ng mas senior star, nagkaso rin siya sa kumpanyang naging dahilan kung bakit siya nakilala.

Kuwento uli ng aming source, “Ang isang ‘yun naman, e, masyadong nagpaniwala sa mga palakpak na naririnig niya! Bilib na bilib sa mga naririnig niyang papuri!

“Ayun, idinemanda rin niya ang malaking production na namuhunan nang milyones para lang siya makilala!

“Marami siyang reklamo, kesyo hindi raw sumunod ang production sa kanilang kontrata, talung-talo raw siya. May mga nangako sa kanya na malaki ang panalo niya sa laban, kaya kinasuhan niya ang kumpanya!” unang hirit tungkol sa female personality ng aming source.

Pagkatapos nang ilang buwang masusing pagtutok ng husgado ay napatunayang walang sumira sa kontrata. Olats ang girl. Wala siyang ibang pamimilian kundi ang tapusin ang kanyang kontrata sa kumpanyang nagtiyaga sa kanya.

Buwelta ng aming source, “May nangyari ba sa katigasan ng kukote niya? Maganda ba ang naging bunga ng pagrerebelde niya? Naipanalo ba niya ang kaso?

“Waley! Nganga ang girl, kailangan niyang gawin ang proyektong ipinagagawa sa kanya ng production. Nagpaniwala kasi siya sa mga press release, nakinig siya sa mga bulong, ayan tuloy ang nangyari sa kanya!” napapailing na lang na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Willie, nakakatulog na uli ng mahimbing

Maluwag na ang oras ngayon ni Willie Revillame. Nakakatulog na rin siya nang mahimbing. Madalas na uli niyang nakakasama ngayon ang kanyang mga anak at apo.

Ilang buwan niyang hindi nasarili ang panahon. ‘Yun ang mga pagkakataong nakapikit ang mga mata niya pero gising naman ang diwa niya.

Hindi rin siya makakain nang maayos, napakarami niyang iniisip at binabalanse, itutuloy ba niya ang pagpasok sa pulitika o tutulong na lang siya sa mga kababayan natin sa pamamagitan ng Wowowin?

Lakas-loob siyang nagpaalam kina PRRD at Senador Bong Go. Ibinagsak niyang lahat ang mga baraha sa mesa. “Hindi ko po kaya.”

Sa halip na mangatwiran ng kung anu-ano ay nagpakatotoo siya sa kanyang mga kaharap. “Ayoko pong mapahiya lang kayo dahil sa akin, gusto ko pong magserbisyo sa mga kababayan natin, pero sa paraang kaya ko lang.”

At ang iba pang pahayag niya ay narinig-napanood natin sa kanyang programa nang umatras na siya sa laban.

Ngayon ay kanyang-kanya na ang oras niya. Nakakasama na uli ni Willie ang kanyang mga anak at apo sa beach house niya sa Mindoro.

“Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Ganu’n pala ‘yun? Para akong nasusuka na hindi ko maintindihan,” rebelasyon pa ng TV host.

Maraming kaibigan niya ang nagbunyi sa kanyang desisyon, nagsisigawan ang mga tagasuporta niya sa Wowowin dahil hindi na siya tatakbong senador, masa­yang-masaya rin ang kanyang mga anak dahil wala na silang makakaagaw sa oras ng kanilang ama.

Naaasikaso na uli ni Willie ang mga ipinagagawa niya. Ang kanyang mga villa sa Iruhin, Tagaytay, ang 7-star hotel na sinimulan na sa Puerto Galera, pabalik-balik siyang lumilipad sa mga lugar na ‘yun para personal na pamahalaan ang pagpapagawa.

At siyempre’y patuloy pa rin ang pamimigay niya ng tulong sa ating mga kababayan sa Wowowin-Tutok-To-Win, daang libo araw-araw ang ipinamamahagi niya sa mga pamilyang nagdarahop ngayong pandemya, may milyones ring ipinamimigay ang kanyang programa na totoo namang nakapagpapabago sa antas ng buhay ng ating mga kababayang nawalan ng trabaho.

Siya na mismo ang nagsabi, “Mas simple ang buhay, mas masaya. Marinig ko lang ang sigawan sa kabilang linya kapag may nananalo nang one million, masayang-masaya na ako. Kumpleto na ang araw ko!

“’Yun ang parang dextrose ko kapag nalulungkot ako. Daig ng saya ng mga kababayan nating walang-wala ang kahit anong gamot,” positibong kuwento ni Willie Revillame.

vuukle comment

WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with