Aktres tagong-tago ang pagbubuntis sa anak nila ng karelasyong aktor
MANILA, Philippines — Nakakaloka at mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang umpukan sa showbiz na may baby na pala itong si kilalang aktres.
Matagal nang natsismis itong si kilalang aktres na karelasyon ang kilala ring male celebrity.
Nung kainitan ng career ni aktres ay pinaghihiwalay na sila nitong male celebrity, pero ‘di umepek.
In love sila sa isa’t isa kaya kahit ilang beses nang kinukumbinsi si aktres na hiwalayan na si male celebrity, hindi natitinag.
Tuloy pa rin ang relasyon ng dalawa at ang latest na nakarating sa amin, nabuntis daw si aktres ni male celerity at nanganak na nga raw ito.
Naitago raw nila ito nang bonggang-bongga na hindi natin natunugan.
Lumang video na raw ang nakikita sa vlogs ni aktres iyon na ngayon lang in-upload ang iba.
Ang isyung buntis ang mahirap itago, kaya sabi ng aming source, hintayin lang at lalabas din naman daw ang katotohanan.
Sa ngayon ay kung kani-kanino nali-link si aktres na ang sabi ng iba, pantakip lamang daw iyon sa tunay at wagas na relasyon nila ni male celebrity.
Jomari, uunahin ang mga senior
Isa si Jomari Yllana sa nangakong susuportahan ang campaign ng Film Development Council of the Philippines na #NoodTayoNgSine kapag magbubukas na ang mga sinehan.
Sa Nov. 10 daw ay full blast na ang pagbubukas ng mga sinehan, at sa Parañaque ay lalong dumarami raw ang mga sinehan, kaya gusto rin nilang hikayatin ang mga taga-Parañaque na ibalik na ang interes sa panonood ng sine, basta masunod lang ang health protocols. “We support the business, the cinemas sa Parañaque.
“Nandito tayo with everyone, with the proper health protocols…saka kung kailangang merong batas para makapag-umpisa na, makabangon ang industriya ng pelikula, gagawin natin ‘yun.
“Naniniwala ako magbubukas ang mga sinehan with proper health protocols. Magbubukas na rin tayo ng red carpet para sa ating mga premiere night. Kasi ginagawa na ito sa ibang bansa eh,” pahayag ni Jomari nang makatsikahan namin sa virtual mediacon kahapon.
Tuloy pa rin ang panunungkulan ni Jomari bilang konsehal sa district 1 ng Parañaque.
Gusto naman daw niyang maka-graduate ng termino niya with high honors, kaya talagang nagsisipag siya.
Kung papalarin siya sa darating na eleksyon huling termino niya bilang konsehal at isa sa ipinangako niya ay ang building na itatayo sa Sto. Niño, Parañaque para sa senior citizens.
Ipinagmamalaki ng actor/politician na senior citizen friendly ang lungsod ng Parañaque. Kaya itutuloy daw nila itong building na kung saan may park, may spa, pool at iba pang amenities para sa senior citizens. “Magkakaroon ng building diyan na open sa lahat na senior citizens sa lungsod ng Parañaque.
“’Yung itatayo nating building, meron silang park, meron silang spa, meron silang pool na kung saan mai-enjoy nila ‘yung mga amenities.
“Medyo pioneer tayo sa facility na ‘yun, na parang leisure, well-being sa ating mga matatanda.
“Dito kasi sa lungsod ng Parañaque, hindi talaga nakakalimot sa ating mga senior citizen.
“Dito sa Parañaque, lahat ng senior citizens natin may cash incentives sila tuwing Pasko, may libreng laboratory check-up tuwing birthday nila,” pahayag ni Jomari Yllana.
- Latest