Charlie, nahirapang humugot sa viral…
Hindi naging madali para kay Charlie Dizon ang karakter niya bilang si Charlie Sicat sa Viral Scandal. Ayon sa aktres ay talagang kakaiba ang matutunghayan ng kanyang mga tagahanga sa bagong serye. “Ang role ko rito aspiring architect na panganay sa magkakapatid sa pamilya Sicat. Bilang panganay at OFW ‘yung nanay ko, ako ‘yung tumayong nanay sa aming pamilya and very liberal minded siya, very outspoken. Epitome of a modern woman si Rica. Ang masasabi ko lang, kahit anong pagsubok ang ibigay n’yo sa kanya, lumalaban siya,” pagbabahagi ni Charlie.
Kahit nakilalang Best Actress para sa natatanging pagganap sa Metro Manila Film Festival 2020 entry na Fan Girl ay amindong nahihirapan naman sa bagong role. “Naging mahirap talaga aaminin ko. As in everyday nahihirapan pa din ako talaga. Kasi ‘yung mga pinagdaanan ni Rica, hindi katulad sa pinagdaanan ko as Charlie. So minsan nahihirapan ako humugot. Kasi bagong character ulit so back to zero ‘yung aral. Talagang hinihimay ko ‘yung script,” paliwanag ng dalaga.
Si Joshua Garcia ang makakatambal si Charlie sa bagong serye. Ayon sa dalaga ay talagang matulungin ang aktor sa kanilang ginagawang mga eksena. “Ang masasabi ko kay Joshua, very gentleman and tinutulungan ako sa mga eksena. Actually pareho sila ni Jameson (Blake) na very gentleman sa akin. Kaya masasabi kong sinuwerte ako sa mga ka-partner ko ngayon,” pagtatapos ng aktres.
KZ, Grammy nominated ang producer sa unang international single
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapaglunsad na si KZ Tandingan ng kanyang international single na may titulong 11.59. Isang malaking karangalan umano para sa singer na makatrabaho ang Grammy-nominated producer na si Lugo Gonzales para sa bagong proyekto. “I am just grateful. Hindi rin magiging gano’n kaganda ‘yung session namin if they weren’t as open as they were. He is already a Grammy-nominated producer, in-expect ko na parang he was going to be super strict, na baka very specific siya sa mga gusto niya gawin sa kanta. He wrote it with a couple of his friends and they wrote it around 10 years ago,” kwento ni KZ.
Masayang-masaya ang Asia’s Soul Supreme dahil natupad na rin ang kanyang pangarap na makapag-release ng kanta sa iba’t ibang bansa. “After my X Factor stint in 2012, the dream was always to go international. The dream was always to represent the country in the world stage of music. After nine years, I get to release 11.59 which is my first international single. It’s something that I will remember for the rest of my life. For my recording sessions, I always made sure that when I go in the studio, I am prepared. I know the song by heart. If I can memorize the song, I will memorize the song because I don’t want to be thinking when I am recording,” paglalahad ng singer.
(Reports from JCC)
- Latest