Gretchen magiging aligaga sa kasal ng anak
Kahit ‘di raw niya naranasan, at never mararanasan
‘OMG’ ang reaction ni Dominique Cojuangco sa post ng mommy Gretchen Barretto niya na sinong mag-aakala na paplanuhin niya ang kasal ng anak nila ni Mr. Tonyboy Cojuangco na hindi niya ginawa at wala sa plano niya.
Post ni La Greta na kilala ring si Lady Tiger ng mga sabongero : “Soon to be the Mum in law of @mj.hearn who would have thought i will be planning my daughter @dominique wedding at age 51 i dont know where & how to start ( i never had one & never planned one ever Tony has reminded me multiple times to allow our child to enjoy the process of planning,” pag-amin ni La Greta na tuloy ang pamimigay ng ayuda sa mga taga-showbiz at maging sa viewers ng number 1 digital talk show na Take It... Per Minute, Me Ganun.
Last week nga ay nagkaroon ng announcement sa social media ang engagement ni Dominique sa negosyanteng si Michael Hearn base sa kanyang post sa Instagram na matagal na nitong karelasyon.
- Latest