^

PSN Showbiz

Restaurant ni Alden, hindi talaga kinaya ang epekto ng pandemya!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Restaurant ni Alden, hindi talaga kinaya ang epekto ng pandemya!
Alden.

For good na pala ang closure ng restaurant ni Alden Richard sa Quezon City, ang Concha’s.

Aminado ang actor na hindi kinaya ng kanilang negosyo ang epekto ng pandemya.

“Closed one in qc ‘di kinaya ang effects ng pandemic sa NCR (National Capital Region). But so far ok ‘yun resto sa South, fastfood resto ‘di masabi na maluwag na pero ‘di na ganun kahigpit. Kaya ‘pag nami-miss ng supporters natin pumupunta sila dun and they feel close to me. So far so good naman po,” banggit ni Alden after ng renewal of contract niya with GMA 7 days ago na ginanap sa isang five star hotel sa Mandalu­yong kung saan sila na naka-quarantine para sa taping ng The World Between Us na hindi pa man napapanood ang Book 2 ay nakaabang na ang susunod niyang proyekto.

Na siniguro ng GMA executive Lilybeth Rasonable sa virtual mediacon ng actor ang tungkol dito.

Yup, aniya, bukod sa pagbabalik ng Alden-Jasmine Curtis Smith series, may mas malaki  at exciting pang project na naghihintay sa Pambansang Bae na siguradong ikatutuwa diumano ng netizens at ikagugulat ang papel na gagampanan ng aktor.

Pero walang ibinigay na ibang detalye si tita Lilybeth tungkol sa nasabing proyekto pero may suspetsang ito na ‘yung pagtatambalan nila ni Bea Alonzo bukod pa sa gagawin nilang pelikula.

Nang tanungin naman ang aktor kung game siyang makatrabaho ang dati pang nababalitang magi­ging Kapuso na si John Lloyd Cruz ngayong nasa GMA na rin ang perennial screen partner nitong si Bea Alonzo, ang bilis ng naging sagot nito : “Kahit now na, tomorrow, mag-quarantine na tayo, let’s go!”

Chika ng aktor, bukod sa pareho sila ng team ng stylists, matagal na rin siyang “fanboy” ng tambalang John Lloyd-Bea kahit nu’ng hindi pa siya nag-aartista kaya game na game siyang makatrabaho ang mga ito sa isang proyekto, kahit silang tatlo pa.

As it is, handa na ang pelikulang gagawin nina Alden at Bea. Ito ay ang much-anticipated Philippine adaptation ng 2004 Korean film na A Moment to Remember para sa Viva Films, GMA Pictures at APT Entertainment kung saan gagampanan ni Alden ang character ni Jung Woo-sung habang si Bea naman ang gaganap sa papel ni Son Ye-jin.

Magbubukas na ang mga sinehan sa Alert Level 3, at kung matutuloy ang plano, ngayong Oktubre sisimulan ang shooting ng A Moment to Remember. Sa sinehan gustong ipalabas ng mga producer ang unang tambalan nina Alden at Bea.

 

ALDEN RICHARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with