^

PSN Showbiz

Ali Sotto at Pat-P Daza, sanib-pwersa!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ali Sotto at Pat-P Daza, sanib-pwersa!
Ali at Pat-P Daza

Mapapanood simula nga­yong Lunes ang tambalan nina Ali Sotto at Pat-P Daza sa Net 25, alas-8:00 ng umaga. Ano Sa Palagay’ N’yo? ang pamagat nito.

Dala nina Ali at Pat-P ang detalyado at metikulosong pagbusisi sa mga isyung kinakaharap natin sa kasalukuyan. “Maiparamdam natin na first and foremost, Pilipino tayo,” ayon kay Ali.

“I want to take it to a softer point of view. Maraming isyu na hindi natin pwedeng palampasin. We have to know what’s happening para at least meron tayong kaalaman kung paano natin pwedeng labanan ang mga nangyayari,” saad naman ni Pat-P.

Magiging “very light at naiintindihan ng lahat ng tao” ang talakayan ika nga nina Ali at Pat-P.

Panoorin ito Lunes hanggang Biyernes, 8:00-10:00 ng umaga, sa Net25 TV, Youtube channel at Facebook page; Radyo Agila 1062 Khz at Eagle FM 95.5.

Parehong ‘palaban’ sina Ali at Pat P. na ga­ling sa DZBB at DZMM at sa boses pa lang kaya nilang labanan ang mga tatapatan nila sa ibang istasyon na pawang beterano na sa umaga.

Congrats, Ms. Ali and Pat-P.

vuukle comment

ALI SOTTO

PAT-P DAZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with