^

PSN Showbiz

Beteranang aktres, tuloy ang pangingialam sa relasyon ng anak

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nagkakaisa ang mga miron sa pagsasabing kailangang manahimik ang isang bete­ranang aktres na nakikialam sa lovelife ng kanyang anak.

Ayon sa mga impormanteng may malalim na alam tungkol sa pakikipaghiwalay ng kanyang anak sa isang male personality ay siya na lang ang humaharang sa muling pagsasama ng mag-asawa.

Kuwento ng aming source, “Huwag na siyang makialam, huwag na niyang panghimasukan pa ang personal na buhay ng anak niya, wala naman siyang magagawa kung talagang nagmamahalan ang mag-asawa!

“Tularan niya ang malawak na pag-intindi ng ex niya na ama ng anak niya, tahimik lang, kung saan maligaya ang anak niya, e, du’n na rin siya!” unang komento ng aming impormante.

Sa ngayon ay nagpaparamdam na ng posibilidad ng pagbabalikan ang mag-asawa, konting panahon na lang at buo na uli ang kanilang pamil­ya, ‘yun ang ayaw mangyari ng beteranang aktres.

Marami tuloy ang nag-iisip na ang gusto niya ay matulad sa kanya ang pakikipagrelasyon ng anak niya. Napakarami niyang nakarelasyon, pero sa hiwalayan nauwi lahat, kaya malungkot ang lovelife niya.

Rebelasyon ng aming source, “Mabait nga ang anak niya, e! Ni hindi nga siya sinusumbatan sa mga nakaraan niyang relasyon! Iniintindi siya ng anak niya, matanaw ng utang na loob ang girl.

“Kung salbaheng anak lang si ___ (pangalan ng anak ng bete­ranang aktres), e, siguradong naka­rinig na siya ng mga panunumbat. Natural, hindi naman lihim sa anak niya ang pakikipagrelasyon niya nu’n sa isang bagets actor, di ba? Hindi niya ‘yun maidedenay, ibinuking siya ng girlfriend ng bagets, tinawag siyang cradle snatcher!

“May nakarelasyon din siyang Japanese, may isa pang male personality na maganda na ang buhay ngayon, maitatago ba niya ‘yun? Wala siyang narinig na panunumbat sa mabait niyang anak!

“Ngayong maayos na ang relas­yon ng anak niya at ng male personality at mukhang mauuwi na sa pagbabalikan ang sitwasyon nila, e, huwag nang umepal pa ang veteran actress!

“Siya nga ang nagpalaki ng gap nu’ng mag-asawa, sulsol siya nang sulsol sa anak niya na huwag nang makipag-ayos sa manugang niya! Kumokontra siya!

“Bakit, maibibigay ba niya ang happiness ng anak niya? E, kung sa mahal pa ng anak niya ‘yung male personality, may magagawa ba siya?

“Naku, tantanan na niya ang panghihimasok, uminom na lang siya ng lapad, para mahimasmasan siya!” madiing pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Direk Bobet buking ang pagiging power tripper, Vhong laging sinasabihang bobo

Buking na buking na ang pambabaligtad ngayon ng maangas na direktor na si Bobet Vidanes sa mga hosts ng It’s Showtime na ayon sa kanya ay naging dahilan ng pag-alis niya sa noontime show.

Marami raw kasing naglilider-lideran sa programa, hindi raw pera ang dahilan ng kanyang paglundag sa Brightlight Productions, hindi na raw healthy ang kanilang samahan.

Dahil sa kanyang pag-iyak na wala namang sinseridad at pagtuturo sa mga hosts ng It’s Showtime na may kasalanan ay hindi na nakapagpigil pa ang mga dati niyang katrabaho sa ABS-CBN.

Buking na buking ang pagiging power tripper ng direktor, nalantad ang mga sinasabi niya nu’ng magkakasama pa sila, sinungaling daw ang ambisyosong direktor.

Text sa amin ng isang source mula sa nilayasan niyang programa, “Sinu­ngaling si Bobet! Lagi niyang sinasabi na bobo raw si Vhong Navarro! Kay Vice Ganda naman, lagi niyang sinasabi na iba raw talaga ang ugali ng bakla!

“Paano niya ‘yun maidedenay ngayon, sige nga! Hindi siya makapagsisinungaling, naririnig ‘yun ng floor director at ng mga cameramen sa headset nila!

“Akala niya siguro, e, siya lang ang nakakarinig ng mga sinasabi niya! Maraming tao sa booth, naka-headset ang mga cameramen, dinig na dinig ang mga pinagsasasabi niya!

“Pati ang mga dancers, bobo rin ang tawag niya, walang magaling para sa kanya, siya lang!” galit na sabi ng aming source mula sa ABS-CBN.

Alam din ng lahat sa nilundagan niyang show ang katotohanan tungkol sa kanyang paglipat, kapitan siyang naturingan ng noontime show, pero siya pa ang unang lumundag sa “sinking ship.”

Isa pang source ang nag-text sa amin, “Ipinagmamalaki niya ang deal nila ng nilipatan niyang production, dalawang co-hosts ng show ang pinagkuwentuhan niya. Pinatapatan daw niya sa mga executives ng network ang offer sa kanya, pero hindi kinaya.

“Ano ngayon ang sinasabi niya na it’s not about money? E, nandu’n pa nga siya sa Showtime, nakikipag-deal na siya sa lilipatan niya? Di ba naman katrayduran ang ginawa niya?

“Nasaan ang loyalty niya sa network na nagbigay ng lahat ng opportunities sa kanya? Group hug? Walang iwanan hanggang sa huli? Neknek niya!” walang patumanggang komento pa ng dating katrabaho ni Bobet Vidanes sa ABS-CBN.

DIREK BOBET

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with