^

PSN Showbiz

Fans ni Julia, worried sa tambalang Gerald at Gigi?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Fans ni Julia, worried sa tambalang Gerald at Gigi?!
Gigi
STAR/ File

May slight na pag-aalala ang followers nina Gerald Anderson and Julia Barretto.

Kasi nga may project ang aktor katambal ang baguhang rock ballader na si Gigi de Lana na binigyan ng bagong kahulugan ang Pinoy slang na Sakalam (malakas) sa debut single niya na ini-release ng Star Music.

Magtatambal ang actor at si Gigi sa proyektong Hello, Heart, na diumano’y isa sa kauna-unahang Filipino series na ang streaming platform na iQiyi ang producer.

Sa isang interview ni Gigi, sinabi niyang pangarap niya talagang mag-artista kaya tuwang-tuwa siya na agad-agad, leading lady na siya na Gerald.

Beke raw kasi may maganap na ‘di inaasahan lalo na nga at may resemblance si Gigi kay Julia.

Anyway, last week nga ay ini-launch ni Gigi ang kantang Sakalam na tungkol sa pighati ng isang tao na hindi makabitaw sa karelasyon na nagbago na ang nararamdaman para sa kanya. “Habang kinakanta ko ‘yung Sakalam, nasasaktan ako. Nilalagay ko ‘yung sarili ko sa song kasi gusto kong kantahin na punung-puno ng soul. Sobrang nakaka-relate kasi sa mga pinagdaanan ko rin sa buhay,” kwento ni Gigi.

May mensahe rin siya sa listeners na nakakaranas ng matinding heartbreak. Aniya, “Even though ‘sakalam’ talaga siya, pansamantala lang ‘yang nararamdaman mo. Itong song na ito, hindi lang tungkol sa heartbreak. May binibigay din itong positive vibes.”

Anyway, nito lang Agosto, inanunsyo ni Gigi ang marami sa mga nakalinya niyang proyekto para sa 2021 kasama na nga ang serye at ang pagiging bahagi niya sa Filipino music festival na 1MX Dubai at ang pag-headline niya sa sarili niyang YouTube Music Night digital concert na parehong gaganapin sa Disyembre.

vuukle comment

GERALD

GIGI

JULIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with