^

PSN Showbiz

Jomari, maraming pinalampas na trabaho sa showbiz

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Jomari, maraming pinalampas na trabaho sa showbiz
Abby at Jomari
STAR/ File

Aminado si Jomari Yllana na isinakripisyo niya ang kanyang showbiz career para sa pulitika. Since mag-councilor nga siya sa Parañaque, never na siyang tumanggap ng kahit anong trabaho. “Andyan ‘yung mga offer na magaganda, sa Probinsyano, naka-meeting ko pa sila Dondon Monteverde and Direk Erik Matti, maganda ang binibigay nila sa aking role, pero dapat talaga, 100% ang trabaho mo ‘pag nasa posisyon ka,” banggit nito kahapon na inoperan ding kumandidato ng congressman sa District 4 sa Bicol pero mas piniling tapusin ang kanyang last term as councilor ng Parañaque. Ang brother niyang si Anjo ang lalaban sa Bicol.

“Hindi ako standard na pulitiko,” dagdag pa niya sa virtual chikahan kahapon with the entertainment press na bukod sa tinalikuran niya ang showbiz, nag-aral din siya sa UP – Development Legislation Enhancement Course and Introduction to Excellence in Local Legislation

Aminado naman siyang nami-miss niya ang paggawa ng pelikula pero tanggap niya at laging iniisip na iba na ang prioridad niya sa kasalukuyan.

At idolo niya pagdating sa artistang pulitiko, ang mag-asawang Mayor Richard Gomez and Rep. Lucy Torres. Magkakasama sila noon sa kwadra ni tito Douglas Quijano na sabi niya, tiyak na tuwing pinag-uusapan ang career niya, tiyak na tuwang-tuwang ito sa heaven. “Naiintindihan nila ang legislative agenda, ni Cong. Lucy, hindi mo matatawaran ang galing. Talagang nag-aral,” banggit ni Coun. Jom.

At in fairness, ang dami niya naipasang ordinances na pinakita niya kahapon.

At ang tinuturing niya ngayong lucky charm, ang partner niyang si Abby Viduya. “Mula nung magsama uli kami, maraming naituwid na tama sa buhay ko. Isa siya sa nagbibigay ng inspirasyon ko,” sabi pa ng dating Gwaping actor.

At sumagot naman si Abby na nasa tabi lang ni Jom habang nagzo-Zoom : “I’m just here for him. We can face anything together. Ganun ang love namin for each other. Ganun ang support namin for each other,” aniya na natapos na ang taping para sa Kapuso teleserye na Lolong pero wala pa siyang idea kung kailan ito ipalalabas.

Ayon sa dating actor, pareho silang complicated people pero nagkakasundo sila at naging maayos ang lahat sa kanilang relasyon since magkabalikan sila a year ago.

Wala pa sa immediate plans nila ang kasal pero gusto nilang magka-baby ng sa kanila. “Pero sana kaya pa ng mga katawan namin,” sabi ni Jom.

Si Abby naman ay may mga naka-line up na project sa Viva.

JOMARI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with