^

PSN Showbiz

Male personality, parang tindero ng alcohol sa sobrang kalinisan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pagdating sa pagiging consistent ay wala nang tatalo pa sa isang kilalang male personality. Palaging pinagpipistahan ang pagiging malinis niya sa katawan, maraming humahanga sa kanyang kabanguhan, maalaga siya sa kanyang hygiene ang lalaking personalidad.

At very consistent siya, hindi pumipili lang ng panahon ang pagiging malinis sa katawan ng male personality, bitbit niya ‘yun sa lahat ng panahon.

Unang kuwento ng aming source, “Hindi lang pala sa shooting at taping siya ganu’n kamaalaga sa katawan niya, kahit saan at kahit kailan, ganu’n na talaga siya!

“Hindi pa siya nakikita ng mga co-stars niya na marumi ang katawan, palagi siyang malinis, parang palagi siyang bagong paligo sa kabanguhan niya,” sabi ng aming impormante.

Pinagpistahan ang sobrang kalinisan ng male personality sa isang malaking pagtitipon. Puro naggagandahang babae ang nandu’n para rumampa sa korona. Nandu’n din bilang host ang male personality.

Kuwento uli ng aming source “Natural, may sarili siyang dressing room, du’n siya pinupuntahan ng mga writers ng show. Habang ginaganap ang briefing, pansin na pansin ng mga production staff ang mga kagamitan ng male personality.

“Para kasi siyang nagbebenta ng alcohol sa dami ng nakapatong sa table. Talagang nakahanda siya sa giyera, alam niya kung gaano kahalaga ngayong pandemya ang paghuhugas ng kamay at paggamit ng alcohol.

“Mas bumilib sa kanya ang mga miron dahil tuwing lumalabas ang male personality sa kanyang dressing room, palaging nakasunod-nakabuntot sa kanya ang PA niya para mag-abot ng alcohol spray anytime.

“Bawal ang kiss at hug ngayon, hanggang handshake lang, pagkatapos makipagkamay ng male personality, e, nakaabang na agad ang PA niya para ispreyan ang kanyang mga kamay.

“OA para sa ibang nakakakita ang ginagawa ng male personality, pero mas marami ang humahanga sa kanya, dahil para siyang Boy Scout na pala­ging nakahanda sa laban.

“Napakalinis niya, mapagpahalaga siya sa hygiene, kaya markahan natin ng X ang name ng male personality na ito!” masayang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Katabilan ni mayor Isko, hindi na napipigilan

Napakasakit para kay Mayor Isko Moreno ang pagpapakita ng suporta ng kanyang mga kapwa artista sa kanyang kaagawan sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno na si Vice-President Leni Robredo.

Nang magpahayag ang kasalukuyan nating VP na tatakbo ito sa panguluhan ay nagkulay rosas ang kapaligiran. Nagmistulang malawak na halamanan ang mga social media accounts ng mga artista na tanging pink roses lang ang nakatanim.

Nang umariba ang minantikaang dila ni Mayor Isko sa pagsasabing “Huwag kayong malilinlang sa pagpapalitan ng kulay. Ang tanso, tubugin man sa ginto ay tanso pa rin. Fake leader with fake color is a fake character,” ay lalong tumindi ang mga upak sa mayor ng Maynila sa social media.

Biglang bumuwelta laban kay Mayor Isko ang mga kababayan nating nakuha niya ang loob sa mga unang sultada ng kanyang political advertisement. Bumaklas sa kanya ang mga netizens at kapansing-pansin na lalong nagpamalas ng pagsuporta kay VP Leni ang mga taga-showbiz.

Napakasakit nu’n para kay Mayor Isko, mismong mga kasamahan niyang personalidad ang hindi sumusuporta sa kanya, kundi sa pinintas-pintasan at pinatutsadahan niyang si VP Leni.

Iisa lang ang tono ng mga bira kay Mayor Isko, napakapikon niya, babaeng tao ang kanyang pinatututsadahan kaya nasaan ang kanyang pagrespeto?

“Mayor pa lang siya, pero ganyan na siyang magsalita, paano pa kapag naging pangulo na nga siya? Kakawawain lang niya ang mga kapwa niya pulitiko, walang maaasahan sa kanya ang bayan!” sigaw ng isang tumutuligsa sa aktor-pulitiko.

Hindi nabantayan ng kanyang mga political advisers si Mayor Isko, kailangang meron siyang palaging katabing tagapagpaalala kapag nasa harap na siya ng mikropono, dahil matulis-matabil ang dila ni Mayor Isko.

Ang mga salitang napakawalan na ay mahirap nang bawiin pa, nagmarka na ‘yun sa kanyang pinatamaan, lalo na sa utak ng buong bayan.

Nakakalungkot, kapag inisa-isa ni Mayor Isko ang mga artistang sumusuporta kay VP Leni ay isa lang ang kanyang maiisip, totoo nga palang walang bayaning tinanggap sa sarili niyang bayan.

Napakalayo pa ng eleksiyon, ni hindi pa nga nagsisimula ang kampanyahan, pero ganito na ang nangyayari sa mayor ng Maynila.

Ngayon pa lang ay kailangang iupo na siya nang seryosohan ng mga namamahala sa kanyang karerang pampulitika. Kailangang bawasan niya ang pagiging “patola,” pag-isipan niyang mabuti kung anong laban ang pinapasok niya, dahil isang maling hakbang lang ay puwedeng magtulak sa kanya sa kangkungan ng pagkabigo.

Sayang.

vuukle comment

MALE PERSONALITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with