^

PSN Showbiz

Wala ring respeto sa manager... female personality, iniiwan din ang nanay sa ere!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Totoo palang may katigasan ang ulo ng isang pamosong female personality. ‘Yun pala ang dahilan kung bakit wala siyang nagtatagal na manager.

Isa lang ang komento ng mga humahawak sa kanyang career, mahirap siyang ispilengin, may sarili siyang mundo. Gagawin niya kung ano ang kanyang gusto kahit pa pinagbabawalan siya.

Kuwento ng aming impormante, “Sayang na sayang ang pinasimulan niya. bibihira ang tulad niya na kumbaga sa magnenegosyo, e, meron na agad puhunan.

“Wala na siyang kailangang iba, sa puhunan pa lang na meron siya, e, talagang magtatagumpay na siya! Pero nadiskaril ang career niya, may katigasan ang ulo ng girl!” unang kuwento ng aming source.

Ilang manager na ba ang humawak sa career ng pamosong female personality? Pero hindi nagtatagal ang nagmamaneho sa kanyang karera. Nagbibitiw agad-agad.

Patuloy ng aming source, “Baligtad kasi ang nangyayari, instead na siya ang i-manage, e, parang siya pa ang nagmimistulang ma­nager dahil hindi naman siya sumusunod!

“Nagugulat na lang ang manager niya, meron pala siyang pina­sukang commitment na hindi niya naman ipinaaalam sa manager niya, kaya nagkakagulo sila! Alam mo ‘yung may kinuhang work para sa kanya ang manager niya, pero hindi pala siya puwede, dahil may tinanggap din siyang trabaho na hindi man lang alam ng manager niya!

“So, kapag ganu’n nga naman, e, hindi bale na lang! Wala naman palang kailangang manager ang female personality dahil siya rin ang nagpapatakbo ng career niya!

“Ibang klase pala ang girl. Pabagu-bago ang takbo ng utak niya! At kung ano ang gusto niya, e, ‘yun ang kailangang maganap!” madiin pang komento ng aming source.

Heto na. Natural lang na magbigay-respeto ang manager sa kanyang ina. Mahirap na nga naman, baka mabaligtad pa ang kuwento, baka magalit ang mother ng female personality kay manager.

Komento uli ng aming source, “Buti na lang at kilala ni mommy ang ugali ng daughter niya! Walang problema, naiintindihan ni mommy ang manager, dahil kahit naman si mother, e, nagugulantang na lang sa mga pinaggagagawa ng dyunakis niya!

“Ewan! Basta, may sariling mundo ang babaeng ‘yun! Last to know palagi ang mommy niya! Kaya ayan, nabalaho ang karera niya, kung anu-ano na lang ang pinaggagagwa niya!

“Kasi naman! Kasi naman kasi! Basta, kasi naman!” napakadiing pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Ginawa nang negosyo… Alex, hinihintay ang kuwento ng miscarriage sa vlog

Dalawang bersiyon ng kuwento ang lumulutang ngayon tungkol sa sitwasyon ni Alex Gonzaga. Nagdadalantao na raw siya kaya kailangan niyang lumiban muna sa pagtatrabaho.

Ang ikalawang bersiyon ay kinailangan siyang magpahinga kaya wala siya sa lunch show na Lunch Out Loud. Nagkaroon daw ng miscarriage si Alex. Kung ano ang totoong pangyayari ay wala pang linaw hanggang ngayon.

Ang lumabas lang na kuwento ay nagalit daw ang kanyang Mommy Pinty sa mga kasamahan niya sa LOL, ang grupo ang pinagdidiskitahan ng kanyang ina na nagpakalat ng istoryang nalaglagan siya, wala raw ibang nakakaalam ng katotohanan kundi ang grupo lang.

Pero kapansin-pansin na parang wala namang nakaabang sa senaryo, nasanay na kasi kahit ang mga reporters na walang napapala kung si Alex ang tatanungin, sa vlog niya ikinakarga ang mga importanteng kuwento ng kanyang buhay.

Ang relasyon nila ni Konsehal Mikee (Morada), ang pamamanhikan nito sa kanilang pamilya, kahit ang kanilang pagpapakasal ay sa vlog lang naman ni Alex lumabas at napanood.

Kumbaga ay wala siyang sasabihing kahit ano sa interbyu, kasi nga ay ipinagpapaliban niya ang announcement sa kanyang vlog, natutuhan na ni Alex na negos­yohin talaga ang kanyang pagba-vlog.

Sabi nga ng kaibigan na­ming propesor, “Natural, hindi niya ‘yun aaminin nang kaswalan. Irereserba niya ‘yun sa vlog niya dahil malaki ang kikitain niya. Mas malaking views, mas malaking datung ang ibig sabihin nu’n!” nayayamot na komento ni prop.

Mismo!

Rommel, nilalangaw ang motorcade dahil sa sobrang bilis ng takbo!

Tumawag ang isang pamangkin namin mula sa Nueva Ecija, ang kanyang tanong, “Kakandidato pala uling congressman si Rommel Padilla?

“E, nu’ng last election nga, e, natalo siya, kahit pa ikinampanya siya ng anak niyang si Daniel Padilla kasama si Kathryn Bernardo!

“Nag-motorcade sila sa buong distrito, pero wala ring nangyari, lotlot pa rin ang kandidato nila! Ang bilis-bilis naman kasi ng takbo ng motorcade, ano kaya ‘yun?” natawa kami sa reaksiyon ng aming pamangkin.

Dati nang kumandidatong vice-governor sa Nueva Ecija si Robin Padilla na tatakbo namang senador ngayon, pero natalo rin, si lotlot din ang nakasama nito sa bilangan.

ALEX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with