^

PSN Showbiz

Male personality natalakan, nang-iistorbo ng bad news

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Pasimpleng tinayaran ng isang male personality ang isang kaibigan nang magkausap sila sa telepono.

Ibinalita kasi ng kaibigan ng male personality na namatay na ang isang kilala niyang singer. Tumulong naman ang male personality sa pamilya ng namatay na singer.

‘Yun nga lang, sinabihan ng male personality ang singer na huwag siya ­uling tatawagan sa disoras nang gabi upang magbalita ng malungkot sa kanya, huh!

Eh parang hindi nasakyan ng kaibigan ang tinuran ng male personality kaya wala siyang naging reaksyon sa sinabi ng male personality!

Mga artista, sunud-sunod ang pagsali sa pulitika

Parami na nang parami ang mga artistang sasabak sa eleksyon next year!

Lalaban sa pagkasenador si Robin Padilla under PDB Laban party. Member na rin si Robin at kapatid na Rommel Padilla ng ruling party. Isang posisyon sa Nueva Ecija ang target ni Rommel.

Vice Mayor naman ng Manila ang tatakbuhin ni Yul Servo Nieto matapos maglingkod bilang kongresista.

Si Jerico Ejercito, anak ni ER Ejercito, ang ka-tandem ng dating news reporter na si Sol Aragones bilang gobernador ng Laguna.

Ang asawa ni Ara Mina na si Dave Almarinez, congressman ang tatakbuhan sa fist district ng Laguna matapos ang term bilang Board Member.

Bukas, Oct. 8, ang huling araw ng filing of candidacy sa 2022 elections.

Huwag naman ninyong maliitin ang mga artistang tatakbo sa halalan next year, huh!

JERICO EJERCITO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with