^

PSN Showbiz

Action star Robin Padilla tatakbo sa pagka-senador sa ilalim ng PDP-Laban faction

Philstar.com
Action star Robin Padilla tatakbo sa pagka-senador sa ilalim ng PDP-Laban faction
Makikitang naka-"Duterte fist" ang mga aktor na sina Robin (nakaputi) at Rommel (naka-jacket) Padilla matapos manumpa bilang mga bagong miyembro ng PDP-Laban Cusi wing, ika-5 ng Oktubre, 2021, kung saan balak nilang tumakbo para sa halalang 2022
Mula kay PDP-Laban Cusi wing secretary general Melvin Matibag

MANILA, Philippines — Pormal na inanunsyo ng isang paksyon ng PDP-Laban na pinamumunuan ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang planong pagtakbo ng ilang artista sa ilalim ng kanilang partido sa darating na halalan.

Ayon sa pahayag ni Melvin Matibag, secretary general ng PDP-Laban Cusi wing, parehong kakandidato sa 2022 ang magkapatid na action stars na sina Robin at Rommel Padilla matapos nilang manumpa bilang mga bagong miyembro ng ruling party ngayong Martes.

Pagbabahagi ni Matibag, mismong si Cusi pa nga ang nag-administer ng kanilang oath-taking kanina.

"Robin is running for a seat in the Senate under the ticket of the ruling party, while Rommel is making another bid as representative of the 1st District of Nueva Ecija," ayon sa PDP-laban official sa isang press release.

Sakop ng distrito ang mga bayan ng Aliaga, Cuyapo, Guimba, Licab, Nampicuan, Quezon, Santo Domingo, Talavera at Zaragoza.

"The Padilla brothers are born into a family of politicians and actors. Their father, Roy, was a film director and politician, served as governor of Camarines Norte in the 1970s and assemblyman in the 1980s. Their mother, Eva Cariño, was an actress."

Kilalang masugid na supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte si Robin, una nang inilagay ang actor-turned-senatoriable sa "unfinalized shortlist" ng mga kandidatong susuportahan daw ng administrasyon sa susunod na taon.

Kakandidato si Robin kahit sinabi niya noong 2018 na hindi niya papasukin ang pulitika dahil "pipigilan" daw siya ng yumaong dating Sen. Miriam Santiago. Taong 2014 naman nang igiit niyang "rebolusyonaryo" siya at hindi pulitiko kung kaya't wala raw ito sa kanyang tinatanaw.

Vocal si Robin sa pulitika noon pa man, habang binabanatan ang mga "political dynasties." Ito'y kahit pare-pareho niyang inendroso ang kandidatura noon ng mga anak ni Duterte sa Davao.

Ngayong taon lang din nang maging kontrobersyal ang "Bad Boy" ng Pelikulang Pilipino matapos magpaskil ng video kung saan binibigyan niya ng COVID-19 swab test ang sarili, bagay na ipinagbabawal ng Department of Health.

Dati naman nang pinasok ni Rommel ang larangan ng pulitika noon pang 2007, kung saan tumakbo siya at nanalo bilang board member ng Nueva Ecija. — James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio

2022 NATIONAL ELECTIONS

PDP-LABAN

ROBIN PADILLA

ROMMEL PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with