^

PSN Showbiz

Master director na si Chito Roño, may comeback sa Darna

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Master director na si Chito Roño, may comeback sa Darna
Chito Roño.

Wow, pangungunahan ng highly-acclaimed box office director na si Chito S. Roño ang television adaptation ng Pinay superhero sa Darna: The TV Series.

Magsisimula na ang taping ng programa sa Nobyembre kasama ang ‘master director’ na si Chito na nasa likod ng mga matagumpay na programa ng ABS-CBN na Imortal, Lastikman, at Spirits at nagbabalik-telebisyon ngayon pagkatapos ng halos isang dekada para sa isa sa pinakamalaking proyekto ng Kapamilya network sa 2022.

Bitbit niya sigurado ang natatanging galing sa visual effects production at pagkukuwentong may kurot sa puso na aabangan sa makabagong adaptation ng karakter na binuo ni Mars Ravelo na ang ika-115 kaarawan ay gugunitain sa darating na Oktubre 9.   

Ang 2013 serye na Maria Mercedes ang huling TV project ni Direk Chito na kinikilala rin bilang ‘master of scare’ na gumawa ng blockbuster horror flicks na Feng Shui at The Ghost Bride.

Nagsilbi rin siyang director ng award-winning drama movies na Dekada ‘70 at Bata Bata Paano Ka Ginawa? Siya rin ang gumawa ng family drama na Signal Rock, na naging entry ng Pilipinas sa Best Fo­reign Language Film category sa 91st Academy Awards.

Pagbibidahan ng Kapamilya actress na si Jane de Leon ang Darna na magbibigay-buhay sa paboritong Pinay komiks superhero na may natatanging kapangyarihan at kabutihang loob.

CHITO ROñO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with