Jennylyn, nasa stable na kondisyon!
Teleserye nila ni Xian, hold muna?!
Siniguro ng management team ni Jennylyn Mercado na nasa stable condition ang actress.
Kahapon ay naglabas ng official statement ang Becky Aguila Management team para siguruhin sa lahat na maayos ang lagay ni Jennylyn.
Hindi naman malinaw kung hindi muna tuloy ang ginagawa nitong teleseryeng Love. Die. Repeat.
Ito sana ang unang project ni Xian Lim at nasa kalagitnaan nga diumano sila ng taping nang may nangyari kay Jennylyn kaya kailangan itong sunduin ng ambulance.
Wala ring binanggit sa nasabing statement kung anong kalagayan ni Jennylyn pero ang isang sigurado ay nasa good condition siya and in good health.
Narito ang official statement ng manager ni Jennylyn : “First of all, we would like to express our gratitude to everyone who showed their concern over our artist, Jennylyn Mercado. We would like to assure the public that she is in good condition and in good health.
“On behalf of Jennylyn, we would like to thank GMA, Love Die Repeat production and artists for their understanding and support.”
Hot item ngayon ang issue na diumano’y preggy ang actress sa first baby nila ng actor na si Dennis Trillo at diumano’y kailangan nitong mag-bed rest sa payo ng kanyang doctor matapos diumanong magkaroon ng spotting habang nasa taping kaya balitang hold muna ang teleserye nila.
- Latest