^

PSN Showbiz

Bienvenido lumbera, naalala sa kanyang huling pelikula

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Bienvenido lumbera, naalala sa kanyang huling pelikula
Bienvenido Lumbera.

Pinag-uusapan buong araw ang pagpanaw ng national artist for literature na si Bienvenido Lumbera.

Si Lumbera ay 89 years old na.

Nagkaroon siya ng isang mahaba at makabuluhang buhay. Hindi lamang sa panitikan nakapag-ambag ng kanyang talino si Lumbera.

Palagay namin hindi masyadong napansin, pero noong dekada 70, nang mauso ang pagsasalin ng mga sikat na kantang ingles sa wikang Pilipino, may mga ginawa ring lirikong Pilipino si Lumbera, karamihan ng mga iyan ay inawit noon ni Hajji Alejandro.

Nakagawa rin ng ilang pelikula si Bien Lumbera, at isa nga sa mga napag-usapan ay ang kanyang participation noon sa pelikulang Lagarista, na tungkol sa mga nagdadala ng kopya ng mga pelikula sa mga sinehan noong araw, at siyang naglunsad kay Piolo Pascual bilang isang actor.

Isa sa mabilis na nagpahayag ng kanyang kalungkutan at pakikiramay ay si Congresswoman Vilma Santos.

Naging magkaibigan sila ni Lumbera na taga-Lipa, Batangas. Bukod doon si Lumbera ay isa sa mga orihinal at nanatiling mi­yembro ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino, na nagbigay kay Ate Vi ng sampung awards bukod pa sa isang lifetime achievement award.

Ipinaabot ni Ate Vi ang pakikiramay sa asawa ni Lumbera na si Cynthia Nograles Lumbera at sa kanilang apat na anak.

“Hindi kami nagkasama sa trabaho, pero noon ay may mga naisulat siyang magagandang reviews sa mga pelikulang nagawa ko. Hindi ba ang mga Manunuri noong araw talagang sinusulat nila ang kanilang mga review sa mga pelikulang Pilipino sa mga diyaryo. Sabi ko nga sana hanggang ngayon gawin pa rin nila iyon. Maaaring ang reviews nila ay ilabas naman nila sa social media, dahil ang mga ganoong reviews ay nakatutulong para mas lalo pang mapaganda ang ating mga pelikula,” sabi pa ni Ate Vi.

Wala pang ibang nasabi kung anong mga pagpaparangal ang gagawin kay Lumbera dahil sa limitasyon ngayon dahil sa pandemic, pero bilang isang national artist, nararapat na iburol siya at bigyang parangal sa Cultural Center of the Philippines, at maaari siyang ilibing sa Libingan ng mga Bayani, kung gugustuhin ng kanyang pamilya.

Dennis at Jennylyn, hindi nakakagulat kUng magkakaanak na

Malakas ang ugong ng tsismis na ang malaking balita raw na sasabihin nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na nagbunga ang kanilang relasyon. Ang hula ng marami, baka nga buntis na si Jennylyn. Pero
sayang naman, kung dahil doon ay matitigil ang trabaho ni Jennylyn.

Sana kung totoo, matapos muna ang kanyang parte sa ginagawa niyang serye. Unahing kunan lahat ng parte niya habang hindi pa naman malaki ang kanyang tiyan, at saka na lang idugtong ang iba.

Wala namang problema kung magbuntis man si Jennylyn. Matagal na rin ang relasyon nila ni Dennis at kung tutuusin, maaari nga silang pakasal kung gusto nila. Wala pa naman silang pinakakasalang una.

Pero huwag natin silang pangunahan.

Hintayin natin kung ano mga plano nila bilang magkarelasyon.

Poging matinee idol, lalaki ang trip

Ang pogi ng bagets na matinee idol, pero nakakagulat ang tsismis na siya pala ay madalas na “kalaro” ng ibang mga male star na “type” niya, na siyempre kailangan ay pogi rin at macho. May mga pumapatol naman daw sa poging bagets, at sinasabi nilang “basta madilim na para na rin siyang babae”. At ang tsismis pa, willing naman raw si poging bagets na gawin ang lahat para mapaligaya ang kanyang mga macho friend.

Hindi pa naman daw umaabot doon sa level na kailangan nang mag-datung ang poging matinee idol. Pero nagreregalo raw naman iyon ng mga mamahaling pabango at branded na mga damit at iba pang gamit sa mga type niyang pogi.

Tatlo raw ang poging male stars na nakikipagkita sa poging bagets na matinee idol.

 

BIENVENIDO LUMBERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with