Cong. Alfred at Coun. PM may jamming session ‘pag sunday, ngiting artista program box office
Wow singer na rin si Cong. Alfred Vargas.
Napanood ko ang Sunday jamming nila ng brother niyang si Cong. PM Vargas kahapon at ang saya – si Cong. Alfred ang kumakanta habang si Coun. PM ang naggigitara. May time na nagdu-duet ang magkapatid. #goodPM ang title ng kanilang jamming session every Sunday.
“Happy Sunday, mga ka-District V! Araw ng pahinga. Araw para sa pamilya. Gawin rin nating araw ng sing-along. Sabayan niyo po kami sa simpleng handog namin ni Coun. PM Vargas mula sa weekly FB Live #goodPM kwentuhan natin. Narito po ang cover natin ng Eternal Flame na pinasikat ng The Bangles noong 1988. A blessed day to everyone!,” post ni Cong. Alfred kahapon sabay kanta nga ng Eternal Flame.
Kaya naman tuwang-tuwa ang followers nila. Sabi ng isa : “Nasa inyo na lahat ng Vargas Brothers, mabait, matulungin, maasahan palagi higit sa lahat pareho mucho. Gwapito san pa kayo. Mga IDOL thank you both sa mga suporta ninyo nun hanggang ngayon.”
Handog nila ang Eternal Flame sa mga ‘80s / ‘90s babies.
Bukod sa live jamming, nasa Week 63 na ang Online Raffle nila.
Ang dami nilang papremyo na ibinibigay sa iba’t ibang sector – ang pinakahuling nakasama nila ay solo parents at PWD. “Isang masayang Sabado ng hapon ang hinatid natin kasama ang solo parents ng District V sa ating Week 63 Online Raffle. Special guest co-host pa natin si Coun. Shay Liban na nagbahagi pa ng dagdag papremyo para sa linggong ito! Nagpadala naman ng mystery box prizes si Kap Jonel Quebal. Full force ring dumalo ang Solo Parents Officers ng ating distrito.
“Damang-dama talaga natin ang Solid District V sa ating mga programa! Congratulations po sa lahat ng winners!,” naunang post ni Cong. Alfred.
Isa pang magandang programa ng magkapatid ang Ngiting Artista Program.
Ito ay ang palibreng pustiso. “Sa ilalim ng ating Ngiting Artista Program, buong-buo na ang matatamis na ngiti ng ilan sa ating mga ka-District V. Pinalakas natin ang kanilang kumpyansa na malampasan ang anumang pagsubok nang may ngiti sa kanilang labi. Congratulations po sa inyo! Makapaghatid sana ang inyong bago at libreng pustiso ng maaliwalas na araw sa bawat makakahalubilo.”
Malaking bagay ang makapagbigay ng pustiso ‘pag libre lalo na ngayong panahon na hindi siyempre ito priority ng iba nating kababayan.
At dahil pahinga muna sa pulitika si Cong. Alfred sa next election, babalikan niya ang showbiz.
Pero sa ngayon daw ay hindi pa niya kayang tumanggap ng lock-in nang matagal.
“This year tumanggi na ako sa five to to six projects both on TV and Film. Wala akong time kasi naka-focus ako sa pandemic, and I don’t think I will be filming anytime soon dahil delikado pa talaga ngayon,” banggit niya nang minsan maka-Zoom chikahan namin.
Gusto raw niya gawin ‘yun bilang passion kaya hindi siya nagmamadali. “I’m acting para mapuno ulit ang puso ko kasi kailangan ko to. It feeds my soul.”
Napanood kamakailan ang actor-politician sa isang espesyal na role sa cultural drama series ng GMA Network na Legal Wives.
Ginampanan niya ang character ni Naseer Macadato, ang kapatid ni Ismael na binibigyang-buhay naman ni Dennis Trillo. Si Naseer din ang unang asawa ni Amirah (Alice Dixson) sa kasalukuyang pang napapanood na serye pero namatay na ang character ni Alfred.
- Latest