^

PSN Showbiz

Zanjoe, nahirapan sa umpisa ng pandemic

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Zanjoe, nahirapan sa umpisa ng pandemic
Zanjoe
STAR/ File

Malaki ang pasasalamat ni Zanjoe Marudo sa mga kapamilya at kaibigan na palaging nakasuporta sa kanya.

Aminado ang aktor na talagang mahirap ang krisis na kinakaharap ng lahat ngayon dahil sa COVID-19 pandemic. “Mahirap siya lalo no’ng umpisa. Lahat tayo wala tayong idea kung anong mangyayari, kung anong susunod. So mabigat siya para sa akin. Mabuti na lang nandiyan ‘yung mga kaibigan at pamilya ko na nagsama-sama kami during quarantine no’ng lockdown. So hindi siya naging gano’n ka-depressing. Tayong mga Pilipino lagi dapat tayong palaban. Lahat ng mga sitwasyon na darating sa atin, mahirap man ‘yan eh hindi pwedeng tambayan ‘yan. Dapat mag-move on tayo lagi,” pagbabahagi ni Zanjoe.

Sa loob ng labinglimang taon na pagiging artista ay masasabi ng binata na talagang minahal niya ang trabaho. Matatandang naging modelo muna noon si Zanjoe bago pa tuluyang sumabak sa pag-arte sa telebisyon at pelikula. “Dapat talaga nag-e-enjoy ka sa ginagawa mo. Dapat laging i-make sure mo na you’re having fun habang ginagawa mo trabaho mo. Hindi ko namalayan 15 years na pala ako sa industriya. Ngayon ko lang na-realize na gano’n katagal na dahil nag-e-enjoy ako at mahal na mahal ko ‘yung ginagawa ko. Minahal ko na siya actually dahil pumasok naman talaga ako sa industriya na wala akong kaalam-alam sa pag-arte at pag-aartista,” paliwanag ng aktor.

Mayroong payo si Zanjoe para sa mga baguhang artista na nangangarap ding sumikat sa mundo ng show business. “Makisama kang mabuti sa mga katrabaho mo. Hindi lang sa mga artista kundi sa likod ng camera, sa staff, sa production. Importante magkaroon ka ng relationship sa lahat ng taong makakasama mo. Kasi hindi mo alam kung anong mangyayari after, ‘di ba? Importante na mayroon kang connection sa mga tao, hindi lang sa audience,” giit ng binata.

Jao, dalawang dekada tumigil sa paggawa ng pelikula

Aktibo nang muli sa pag-aartista si Jao Mapa. Bida ang aktor sa pelikulang Paraluman na mapapanood simula ngayong araw sa Vivamax. Matatandaang nakasabayan ni Jao noon ang Gwapings na kinabibilinagan nina Jomari Yllana, Eric Fructuoso at Mark Anthony Fernandez. Pansamantalang iniwan ni Jao ang show business noong 2000 upang ipagpatuloy ang pag-aaral. Pagkalipas ng dalawang dekada ay muling nakagawa si Jao sa isang pelikula. Aminado ang aktor na talagang nanibago siya sa trabaho ngayon. “It took a long time, two decades to get back and recuperate. I had to take a break and actually the whole process was a learning process for me. Kaya ngayon na sinabak ako in a major film role I would say na maipagmamalaki ko na meron na akong mapaghuhugutan. I was able to get new strengths, new material probably emotionally within and a lot of experiences which contributed to my performance right now,” pagdedetalye ni Jao.

Katambal ng aktor sa Paraluman si Rhen Escaño. Ayon sa aktor ay naging seryoso na siya ngayon pagdating sa trabaho kumpara noong kanyang kabataan. “Before I was just playing around and that’s how I saw the whole set. But right now looking at it, I’m at the age na ‘yung pag-iisip ko naiwan sa ‘90s. Ang pinakamalaking difference is I could see that the actors right now especially Rhen and direk (Yam Laranas) are very passionate about their work. They’re very professional and perfectionist at their craft. So mapapalaban ka talaga eh,” makahulugang pahayag ng aktor.
(Reports from JCC)

ZANJOE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with