^

PSN Showbiz

Zanjoe, simple ang hanap na babae

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Zanjoe, simple ang  hanap na babae
Zanjoe
STAR/ File

One and a half decade na pala sa showbiz si Zanjoe Ma­rudo. Parang kelan lang ‘yung Pinoy Big Brother: Celebrity Edition 2006 kung saan siya naging 4th Big Placer.

But since then, kinilala na siyang leading man na nag-umpisa sa Dyosa pero mas tumatak pa sa seryeng Dream Dad in 2014 kung saan pinatunayan niya na hindi lang siya basta pa-cute actor.

May mas lalim pa ang kanyang acting.

Hanggang na-nominate siya under Best Performance by Actor category sa 45th IEMMY’s (International Emmy) Awards para sa kanyang pagganap sa Maalaala Mo Kaya: Anino.

At para i-celebrate ang kanyang achievements sa 15 years niya sa entertainment industry, isang special documentary ang mapapanood titled Hanep, Kinse na pala! Zanjoe’s 15 years in showbiz.

Dito ay aalalahanin ang kanyang journey kasama ang kanyang pamilya, mga nakatrabaho, longtime friends at tinuturing niyang mentors  in the business tulad nina Piolo Pascual, Angelica Panganiban, Jodi Sta. Maria,  Angel Locsin, Bela Padilla, Toni Gonzaga and directors Ruel Bayani, Cathy Garcia-Molina, FM Reyes, Connie Macatuno, and Lauren Dyogi, among others.

‘Yun nga lang, pagdating sa lovelife, hindi ito kasama sa usapan.

So ano bang hinahanap niya sa girl para magka-lovelife siya? “Simple lang ang gusto ko, ‘yung makakasama ko sa sa pagbuo ng pamilya,” aniya kahapon sa media conference.

Mapapanood ang three-part documentary on Star Magic’s Official YouTube Channel on the following dates: Sept. 25 (ep1) Oct. 2 (ep2), and Oct. 9 (ep3).

Anyway, at ang recent achievement ng actor ay ang Best actor nomination niya sa 2021 Gawad Urian para sa kanyang performance sa 2020 iWant Original Film – Malaya.

At ngayon ding pandemic ipinanganak ang D’ LaZY Road Trip YT channel  kung saan makikita nga ang interes niya sa nature kung saan madalas siya sa farm niya sa Batangas – laidback living – kasama ang comedian na si Hyubs Azarcon and basketball player LA Tenorio.

At para patunayang walang makakapigil sa kanya sa kabila ng mga pangyayari sa paligid, mapapanood din this year ang pelikulang 336 na directorial debut ni Bela Padilla.

Inaasahang sa mga sinehan na ito maipapalabas kung magbubukas pa ito this year.

Extra proud din siya na kasama sa local adaptation ng British psychological drama Doctor Foster.

Nakatakdang mapanood sa 2021 ang local adaptation nitong may pamagat na The Broken Marriage Vow kung saan siya gaganap na David Ilustre, an infidel husband to Jodi Sta. Maria’s character Dr. Jill. His weakness would eventually lead him to be lured by the mistress Lexy Lucero to be played by Sue Ramirez.

Proud si Zanjoe sa proyektong ito dahil all-Filipino ang lahat ng approach nila.

Happy anniversary, Zanjoe.

ZANJOE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with