^

PSN Showbiz

Christopher at Toni, nirespeto ng mga kaibigan sa paniniwala

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Sa magkaibigan, dapat hindi issue ang pulitika, pera at religion.

Ang tatlong bagay na iyan ang dapat hindi pinagtatalunan ng magkaibigan.

Dapat sa issue na iyan, may respeto ang bawat isa. Kanya-kanya kayo paniniwala sa politics, religion, at never dapat maging problem ang pera.

Kaya maganda na ‘yung friends ni Toni Gonzaga na anti-Marcos na hindi siya pinigilan sa kanyang interview kay Bongbong Marcos.

Noong kainitan ng Oasis of Love, at panay ang recruit nila sa taga-showbiz, hindi naging issue kila Christopher de Leon ang ayaw sumali sa Oasis na isang Catholic renewal na si Father Sonny Ramirez ang priest adviser.

Never ka ring makarinig na ‘yung iba ang religion hindi belong, marami ang Born Again Christian o meron ding mga Muslim sa showbiz.

Kaya naman melting (pot) of cultures, kaya wonderful world, na lahat welcome. Showbiz is really fun. Sana maging very active uli.

Phillip, nanunumbat sa mga naitulong?!

Alam mo ba, Salve, na ang batayan ng isang tunay na pagkatao ay ‘yung pagtanaw ng utang na loob.

‘Yung utang na loob hindi nababayaran, walang katumbas na halaga, iyon lang siguro ang talagang matatawag mong forever, dahil hindi mawawala, hanggang mamatay ka, nandun ang utang na loob mo sa taong naging mabait at may nagawa sa iyo.

Kaya kadalasan naririnig ko, kung ‘yung utang na pera hindi mabayaran ng isang tao, mas mahirap siyang magbayad ng utang na loob. Nagkaroon ng ingay ‘yung speech ni Phillip Salvador dahil nagbanggit siya ng mga tao na sinamahan niya sa kampanya na ang daming ipinangako pero hindi tumupad.

Marami raw ang akala mo kaibigan, pero kinakain ng ambisyon.

Hindi ko alam kung sino ang pinatatamaan ni Phillip dahil ang dami naman niyang sinamahang kandidato para ikampanya. Kung ang mga ito, hindi tumupad sa pangako sa kanya ano ang dapat niyang isumbat?

Hindi ba niya ginawa ang pagsama ng bukal sa loob? Kailangan bang bayaran iyon? Hindi ba kaya siya sumama dahil feeling niya kaibigan niya ang mga ito? Bakit kailangang isumbat?

So, meron siyang sinasamahan na hindi niya ganap na kilala kaya disappointed siya ngayon, so ‘di ba kasali rin siya sa mga nangako para iboto ang mga kandidato na sinasamahan niya.

Parang hindi maganda na ‘yung ginawa niya isinusumbat niya. Parang hindi maganda na para bang dapat bayaran ang pagsama niya sa kampanya.

Teka, palagay mo ba, Gorgy Rula at Salve, marami ang nadalang boto ni Phillip  sa mga kandidato na sinasamahan niya? Nakatulong kaya siya?

Ganun pa ba kalakas si Phillip Salvador? At ano ba ang ginagawa ngayon ni Phillip Salvador.

Itatanong ko iyan kay Mayor Enrico Roque para mas maliwanagan ako.

TONI GONZAGA ]

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with