Alice, pakonti-konti ang pakita sa partner at anak
Pinakita na ni Alice Dixson ang non-showbiz partner niyang owner / chef sa isang luxury hotel sa Boracay.
Though hindi pa talaga ang buong mukha, parang puzzle lang. Pero at least may idea na ang kanyang followers sa hitsura nito na isang foreigner na dating chef sa isang five star hotel dito sa Manila.
May cover na ‘heart emoji and papa’ ang half face nito pero sa caption niya ay nakalagay ang ‘forever’ habang nasa Boracay sila.
Ganundin ang style ng actress sa kanilang baby. Pakonti-konti.
Unless siguro may talent fee na sa isang endorsement, ipapakita rin ng actress ang partner at anak nila sa social media.
- Latest