^

PSN Showbiz

Reiven ng Cavite, waging bagong TNT champion

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Ang Caviteño na si Reiven Umali ang itinanghal bilang pinakabago at ika-limang grand champion ng Tawag ng Tanghalan sa grand finals ng pinakamahabang singing competition sa bansa sa prog­ramang It’s Showtime noong Sabado (Setyembre 18).

Umani ng 93% total combined score ang binatilyong singer at kumu streamer mula sa hurados scores nina Louie Ocampo, Zsa Zsa Padilla, Karylle, Erik Santos, Jed Madela, Nyoy Volante, at Klarisse de Guzman at public votes. Tinalo niya sina Adrian Manibale na nakakuha ng 55.7% at si Anthony Castillo na nagkamit ng 52%.

Bilang ang pinakabagong Tawag ng Tanghalan grand champion, si Reiven ay nag-uwi ng P1 milyon, isang brand new house and lot mula sa Camella na nagkakahalagang P2.3 million, isang ABS-CBN Music recording contract, isang management contract sa ilalim ng Polaris ng Star Magic, at tropeyong dinisenyo ni Toym Imao.

Samantala, nakakuha naman si Adrian ng P200,000 at si Anthony naman ay nakapag-uwi ng P100,000.

Sa naganap na Go for Gold ng Huling Tapatan, napabilib agad ni Reiven ang mga hurado sa kanyang madamdaming pagkanta ng Creep ng Radio Head.

Samantala, tuluyan napukaw ni Reiven ang puso ng madlang pipol at ng hurados matapos niyang awitin ang isang medley ng mga kanta ni Moira dela Torre na Paubaya, Malaya, at Tagpuan.

Marami ang nag-abang at tumutok sa pagluluklok sa bagong grand champion dahil nanguna sa listahan ng trending topics sa Twitter sa buong mundo ang official hashtag ng grand finals na #TNT5AngHulingTapatan.

Samantala sa pagtatapos ng ika-limang season ng Tawag ng Tanghalan, inanunsyo rin ng It’s Showtime na dapat abangan ng mga manonood ang nalalapit na pagbubukas ng ika-anim na season ng TNT.

REIVEN UMALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with