^

PSN Showbiz

Phillip, galit sa mga naninira kay Sen. Bong!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

May ilang kaibigan sa showbiz ang agad na nakapansin sa ipinost ni Robin Padilla sa kanyang Instagram account.

Video ni Kuya Phillip Salvador na nagsasalita sa harapan ng dinaluhan ni Sen. Bong Go.

Wala kaming ideya kung saan at kailan ito nakunan, pero nasa entablado na si Sen. Bong Go na mukhang magbibigay ng kanyang talumpati. Pero bago yan, nagsalita muna si Kuya Ipe para kay Sen. Go.

Maaa­ring iba ang interpretasyon ng iba, pero  may naisip ako sa caption na ipinost ni Robin.

Ani Robin; “Si Kuya Ipe and larawan ng Mabu­ting kaibigan. Masamang kaaway. Panoorin po ninyo at pakinggan ang kanyang talumpati. Walang sinuman ang makapagsasabi na hindi totoo ang bawat binigkas na salita ng hari ng pelikulang aksyon ng Pilipinas.”

Ilang kaibigan ang nag-react na sa mga sinabi ng aktor. Sinabi ni Kuya Ipe kung paano magbigay ng tulong at serbisyo si Sen. Bong Go, kahit nung wala pa siya sa pulitika.

Bahagi pa ng mga sinabi niya; “Marami na ho akong nasamahang pulitikong tao. Napakarami po. Buong respeto po Cong, Mayor (humarap siya sa iba pang mga taong naka-upo sa stage), hindi po lokal. National.

“Sinamahan ko po sila. Nangampanya kami. Nangako sila sa mga tao. Ibinoto sila ng mga tao, at nanalo po sila. At pagkapanalo po nila, lahat ng kanilang ipinangako, anong nangyari? Napako! Kayo ho ang nagsabi niyan, hindi ako.

“Ngayon ho sa mga nangyayari. ‘Yung taong nagtatrabaho. ‘Yung taong nagsiserbisyo sa inyo, binabatikos. Bakit? Dahil malapit na ang eleksyon. Bakit? Kasi gusto nilang mapansin sila. Nung manalo sila na ibinoto mo sila, lahat nang ipinangako nila hindi nila nagawa. Meron na ho ba kayong nakitang senador, bukod kay Sen. Bong Go sa harapan nyo ngayon… meron na po bang pumunta sa inyong mga senador?”

Obvious na ang tinutukoy ni Kuya Ipe ay ang sinusubaybayan ngayong Senate hearing na kung saan ay idinadawit si Sen. Bong Go.

Kaya sabi pa ng aktor; “Nasasaktan ako sa ginagawa nila sa kanya. Alam ko ho ang ginagawa ni Sen. Bong Go. Bakit? Kasama po ako sa lahat na mga pinupuntahan niya para makatulong.

“Nasasaktan ako kasi binubuwis na niya ang buhay niya sa kapwa nating Pilipino. Pero pangwawarak ang ginagawa ng mga kalaban.

“Mababait sila nung sila may kailangan. Pero ngayon naglilitawan sila kasi malapit na ang eleksyon, Kaya kailangan mapansin sila, siraan nila ‘yung hinahangaan ng mga Pilipino,”  bahagi ng marubdob niyang pahayag sa mga taong nandun sa event na dinaluhan nila.

May mga nagtanong na sa akin kung si Sen. Bong Go na lang ba ang nag-iisang kaibigan ni Kuya Ipe sa Senado?

Itong ilang kaibigan sa showbiz na nagtanong sa akin ay alam naman ang buong pangyayari, at nasaksihan naman ng lahat kung sino ang mga matatalik na kaibigan ni Kuya Ipe sa showbiz, na talagang solid ang kanilang samahan. Mga pulitiko na rin ang ilan sa kanila.

Sen. Bong, may pa-giveaways sa birthday

Kagaya nung nakaraang taon, sa halip na mag-celebrate kasama ang pamilya at kaibigan, mamamahagi ngayon ng tulong at papremyo si Sen. Bong Revilla sa kanyang kaarawan.

Babalik sa Facebook live ni Sen. Bong Revilla ang Kap’s Agimat Birthday Giveaway na gaganapin sa mismong kaarawan niya sa Sept. 25 at meron pa sa Sept. 26.

Kagaya ng mga nakaraang niyang pa-amazing giveaway, santambak na gadgets kagaya ng laptop, cellphone, at iPad ang ipamimigay, at dagdag pa ang kabuhayan package at cash prizes para maipahatid ang tulong sa taumbayan saan mang sulok ng bansa.

Sa mga interesadong sumali, mag-fill out lang ng Google form link at isumite ito sa social media account ni Sen. Bong Revilla.

Siyempre, kailangang mag-subscribe sa kanyang official YouTube Channel at i-click ang notification bell upang masigurong updated sa kanyang pa-giveway.

PHILLIP SALVADOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with