Gardo, masaya sa buhay kaya maraming trabaho!
Napansin mo ba Salve ang mga posting ni Gardo Verzosa. Talagang ang sipag niya ha at magaganda ang mga posting niya.
Dapat kasi ganyan ang mga artista, iyon bang ipinapakita rin ang kanilang other side at talent.
Kaya nga siguro laging may assignment si Gardo dahil laging aware ang tao sa kanya dahil sa mga posting niya.
Ang cute na pati iyon pagsasayaw niya, ang words of wisdom na inilalagay niya, mga private time nila ng asawa niyang si Ivy at anak nila, masayang makita at mapanood.
Saka parang ang bait-bait ni Gardo at masaya rin siguro ang family life ni Gardo dahil parang very close at casual sila nang family niya base sa kanyang mga pino-post.
Very good example ang aktor kung paano lagi kang maalala ng followers mo.
Be active at gumawa ka ng mga bagay na very ‘in’ ngayon sa lahat. Congrats Gardo.
Papalapit na Pasko, nararamdaman pa rin
Mabuti naman at nakikita ko sa mga posting ng celebrities na meron na silang mga Christmas decor sa bahay.
Ang ganda rin makita na meron pa rin mga Christmas tree at parol sa ilang lugar.
Hindi puwedeng isnabin ang Pasko kahit pandemic. Lifting sa spirit ng lahat na heto, darating na naman ang Christmas.
Lalo sa mga bata, how will you explain kung mawawala ang spirit ng Pasko. Saka parang hopeful na marami sa mga mall ang nag-aadvertise ng sale para sa Kapaskuhan.
Binibigyan pa rin tayo ng pag-asa na pagdating nito, talagang magiging busy na naman tayo sa shopping.
Sana nga December will bring that certain glow, para naman we can face the new year with energy.
Kahit pa nga mahirap bumangon dito sa pandemic, at least alive pa tayo, at kahit pa nga medyo taghirap dahil marami ang nawala, life must go on. Life is beautiful. Fighting!!
- Latest