^

PSN Showbiz

Marian, inaabangan sa K-movie

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Marian, inaabangan sa K-movie
Marian
STAR/ File

Naku, Salve, ‘pag natuloy gumawa ng movie sa Korea si Marian Rivera, sure ako na sasama tayo nina Rose Garcia, Vinia Vivar at Gorgy Rula. Noon kasing nag-shooting doon si Tonton Gutierrez ng isang Korean movie hindi pa ako masyadong addict kaya hindi kami sumama ni Gorgy. Eh now na parang second childhood na natin lahat ang pagiging Korean fanatic, hindi natin palalagpasin ang pagkakataong ito.

Hah hah, tayo ang magi­ging bodyguards ni Marian at pilitin natin si Dingdong Dantes na huwag sumama para mahatak natin si Marian na puntahan ang mga lugar kung saan puwede ang sighting ng mga oppa.

‘Yung balak natin noon na maglibot at maghanap ng mga taping, iyon ang gawin natin now, para makita ko na sina Jo In-sung, Nam Joo-hyuk, Kim Woo-bin at Lee Joon-gi.

Naku hitsurang malokah sa atin si Marian na kung saan-saan tayo pumupunta at hindi natin siya binabantayan, at baka siya pa ang magbabantay sa atin, hah hah hah.

Huwag nating palagpasin ang pagkakataon ito. Korea, here we come with Ma­rian Rivera, bongga ‘di bah! Sana now na now na, exciting to the max, gigil talaga.

Pandemya, dapat mas unahin kesa sa mga awayan sa gobyerno

Bakit parang ang gulo-gulo ngayon ng gobyerno? Parang laging may nag-aaway. Dala kaya ito ng pandemic, o sobrang anxiety na talaga ng tao.

Parang tuwing magbabasa ako ng The Philippine STAR, Pilipino Star NGAYON at Pang Masa, may nag-aaway na government officials, mga maanghang na statement, at ‘yung pagtaas ng covid cases. Dapat siguro tigilan na ang mga pag-aaway dahil ngayon kailangan ng matatag na leadership, ngayon mas kailangan ng leader na magbibigay lakas ng loob sa mga tao, magbibigay assu­rance na ok at magiging ok ang lahat.

Sana ‘yung mataas na respeto ng tao sa Red Cross huwag mawala, sana ‘yung sinasabing mga nakatagong biniling mga face mask, face shield, testing kit, lahat ilabas na bago mag-expire. Sana huwag nang mangyari ‘yung gaya ng dati na may mga gamot na nag-expire sa halip na nagamit.

Sana huwag nang lagi sinasabi ni Papa Digong na magre-resign siya. Ang leader hindi nagre-resign, dapat lagi siyang matatag. Hindi ‘yung parang bulaklak-dila na lang ang pagsasabi ng resignation. Wala na tuloy naniniwala, kasi nga ang dalas niyang sabihin.

Sayang ang bayan natin kung ‘di natin aalagaan, mamahalin. Bantayan natin, dahil ito ang bayan nating mahal. Wala nang away-away, trabaho na lang. May pandemic na, may COVID pa, may away pa, hindi maganda.

RULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with