^

PSN Showbiz

Aktres na may karelasyong pulitiko, dinadalaw-dalaw na uli ang mga anak

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ilang beses nang nakikita ng aming source ang isang kilalang aktres na dumadalaw sa kanyang mga anak na nakatira sa isang lugar sa Kyusi. Ilang taon nang naninirahan du’n ang magkapatid pero tanging ang kanilang ama lang ang dumadalaw sa kanila.

Kapag dumarating du’n ang male personality ay nakapag-grocery na, maraming pasalubong sa kanyang mga anak, ang kasalukuyan nitong karelasyon ang kasamang dumadalaw sa aktor.

Ayon sa aming source, “Dati kasi, e, maid lang ng female personality ang nagpupunta sa apartment na tinitirhan nu’ng magkapatid. May inaabot lang, tapos, aalis na rin agad.

“Pero ang father nila, monthly kung dumalaw, parang nagpapaluto pa nga sila ng pagkain na pagsasaluhan nila, kasi, nagtatagal sila sa apartment.

“At mabait ang karelasyon niya ngayon, ipinagbibilin pa niya ang magkapatid sa mga kapitbahay, pati sa may-ari ng tindahan, ‘Pakitinggan n’yo po sana ang magkapatid, parang mga anak ko na rin kasi sila,’ ‘yun ang palaging pakiusap niya,” mahabang kuwento ng aming source.

Pero nitong mga nakaraang buwan ay hindi na kasambahay lang, mismong ang kilalang female personality na ang dumadalaw sa kanyang mga anak, nakikita siya ng mga tagaroon.

Patuloy ng aming impormante, “Dapat lang naman, di ba? Kung ang ex nga niya, e, nakakahanap ng oras para madalaw ang mga anak nila, katatamaran pa ba naman niya ‘yun?

“Bakit, mahigpit ba ang karelasyon niyang politician? Pinagbabawalan ba siyang dumalaw sa mga anak niya? Alam naman ng karelasyon niya na meron siyang mga anak, hindi naman niya ‘yun itinago, kaya bakit ni hindi man lang niya maipaglaban ang mga anak niya?

“Naisip-isip din siguro niya ‘yun, kaya ngayon, e, nakikita na siya ng mga kapitbahay na dumadalaw sa mga anak niya. Nagtatagal din siya du’n, may mga dala-dala siyang groceries, tulad ng ginagawa ng ex niya!

“Sabi nga ng mga tagaroon, dapat daw, e, nasa kanyang poder ang mga anak niya, hindi nakahiwalay ng tirahan. Okey lang naman ‘yun, mga dalaga na ang magkapatid, kaya na nilang mabuhay nang independent.

“Kapag dumarating ang female personality, e, nakasilip sa bintana ang mga kapitbahay ng mga anak niya. Maganda pa rin siya, ni hindi tumaba, ‘yun nga lang, pagong pa rin siyang kumilos,” nailing na pagtatapos ng a­ming source na sumisilip din sa bintana ng kanyang kuwarto kapag dumarating ang magandang aktres.

Ubos!

Yen libre na sa bilyonaryo, may bagong magandang aktres

May mga nagpapatunay na libre nang makipagrelasyon ngayon si Yen Santos. Ilang panahon na pala silang hiwalay ng milyonaryong businessman. May bago nang pag-ibig ang kanyang ex.

Pinangalanan ng aming impormante kung sino ang milyonaryong businessman. Ang girlfriend nito ngayon ay isang magandang aktres na handa nang lumipad sa gagawin nitong proyekto.

Balitang ang milyonaryong negosyante ang isa sa mga prodyuser ng aktres sa ser­yeng urong-sulong ang paggawa pero ngayon ay tuluoy na tuloy na.

Ginawa nila ang pelikulang A Faraway Land sa napakagandang Faroe Islands. Parang postcard ang matulaing bansa na sakop ng Denmark. Malinis, kakaunti lang ang populasyon, maraming Pinoy na nakakapangasawa ng mga Faroese.

Sa ilang linggong itinakbo ng shooting ay mapang-imbita ang isla sa mga nalulungkot na kaluluwa. Siguro nga ay sa Faroe Islands nagsimula ang pagkakapalagayan ng loob nina Yen Santos at Paolo Contis.

Nagyeyelo ang isla, nilalamig sila, ano pa ba ang unang maiisip ng dalawang taong sawi sa pag-ibig kundi ang magpaalpas ng init ng kanilang katawan?

Kung wala mang nangyari sa kanila sa Faroe Islands ay hindi pa rin naman du’n matatapos ang lahat-lahat. Puwede nilang hanapin ang isa’t isa dito sa Pilipinas.

At du’n na nga ipinanganak ang pagkikita nila sa Friendship Capital of The Philippines, ang Baguio, kung saan inamin ni Paolo na tinawagan niya si Yen para meron siyang makasama-makausap.

Pero hindi lang pala isang araw ang kanilang pinagsaluhan, isang linggo, ayon sa inilabas na mga larawan ng mga tinaguriang Maritess.

Ipinagtanggol ni Paolo si Yen, hindi raw ito ang dahilan ng paghihiwalay nila ni LJ Reyes, dahil bago pa sila nagkasama sa A Faraway Land ay matagal nang nagkakaroon ng problema ang kanilang relasyon.

Tatlong beses na naming pinanonood ang pelikula nina Paolo at Yen sa direksiyon ni Veronica Velasco. May relasyon man o wala ang mga bumibida sa pelikula ay labas na kami.

Paminsan-minsan lang kaming nakakapanood ng pelikulang napakaayos ng pagkakatahi ng istorya, ng isang kuwentong kinunan sa isang lugar na tunay na paraiso ang lokasyon, paulit-ulit pa rin naming panonoorin ang A Faraway Land na pinagbibidahan ng mga sensitibong artistang tulad nina Paolo Contis at Yen Santos.

KYUSI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with