Appearance ni Heart sa Bling Empire, big news sa TMZ!
Wow, pinag-usapan na sa TMZ ang appearance ni Heart Evangelista sa Bling Empire Season 2.
Though walang kinumpirma si Heart nang tanungin siya ng crew ng TMZ pero feeling nila yes ito nang sumagot ito : “Whatever it is, this is for the Filipinos,” aniya sa ishinare niyang video clip ng TMZ sa Twitter kahapon.
Spotted sina Kane Lim with Heart habang nagsa-shopping sa Beverly Hills two weeks ago at hinabol sila ng crew ng TMZ.
Ayon pa sa TMZ andun din ang crew ng designer na si Carolina Herrera na si Heart ang isa sa brand ambassador sa bansa.
Wala pang sinasabi si Heart officially pero nakabalik na siya ng Pilipinas at kahapon lang natapos ang kanyang mandatory quarantine pagkagaling ng Amerika.
Nasa production pa diumano ang Season 2 ng Bling Empire ayon sa isang source at wala pang schedule ng airing sa Netflix pero confirmed na nga diumano ang appearance ni Heart.
Soshal noh. Kinabog nga ng Bling Empire ang Keeping Up With the Kardashians na nag-farewell sa ere last July after a decade.
Mga bida rito ang mga totoong super wealthy Asians na nakatira sa Los Angeles –may Chinese, Taiwanese, Japanese, Korean and Vietnamese na magkakaibigan sa America.
Anyway, ilang araw lang daw ang break ni Heart at papasok na uli sa lock-in taping ng I Left My Heart In Sorsogon na dito na sa Manila ang taping dahil nakunan na lahat ng eksena sa Sorsogon.
Samantala, may consent na si Gov. Chiz Escudero if ever na gumawa ng reunion project sila Heart and ex niyang si Jericho Rosales.
Ito ang isa sa mga sinagot nila sa part 2 ng interview nila sa vlog ni Karen Davila. “It’s up to her. If it will help her, if it will make her grow, for me again, hindi ako selosong tao.”
Kontrobersyal ang relasyon noon nina Heart at Jericho na married na rin sa model na si Kim Jones.
- Latest