Lea, tinawag na asshole ang mga nag-‘scoop’ sa pagpanaw ni raymund isaac!
Parang nakakamanhid na sa pakiramdam ang nasasagap nating balitang may pumanaw na ilang kilalang celebrities. At ang nakakalungkot, kapag COVID-19 ang dahilan ng pagpanaw, ang hirap mabigyan ng maayos na burol.
Kahit papaano ay nairaos naman ang tatlong araw na burol kay Mahal sa Cosmopolitan Chapel ng Shrine of the Sanctuario De San Vicente de Paul sa Tandang Sora, Quezon City. Hinihintay ko pa ang sagot ng ilang taong malapit sa kanya kung kailan ang inurnment.
Hindi pa nga tayo nahimasmasan kay Mahal, ginulat naman tayo ng balitang pumanaw ang assistant director ng Ang Probinsyano na si direk Lyan Suiza.
Nakakabigla ang pagpanaw niya na sumabay naman sa balitang may mga nagpositibo sa taping ng Ang Probinsyano.
Pero nilinaw na rin ng production staff ng naturang teleserye na hindi COVID-19 ang ikinamatay ni direk Lyan, kundi na-cardiac arrest ito.
Ang nasagap nga naming balita ay hindi raw matanggap ng pamilya ng naturang direktor ang kanyang biglaang pagpanaw, kaya inatake raw ng high blood ang ina nito.
Kinagabihan ay mas shocking ang lumabas na balitang, pumanaw na ang magaling na photographer na si Raymund Isaac. Late night na rito sa atin kinumpirma ng kapatid niyang si Edward Isaac ang pagpanaw ni Raymund.
Naturukan na siya ng first dose ng bakuna sa Amerika, pero tinamaan pa rin siya ng nakakatakot na virus na ito, at tumagal pa siya sa hospital ng mahigit isang buwan bago binawian ng buhay.
Nakakalungkot talaga, lalo na’t napakabait niya at masayang katrabaho.
Bago pa man siya lumipad pa-Amerika nung July ay tumulong pa siya sa promo ng Gameboys the Movie. Nag-photo shoot siya sa bida ng pelikulang ito na sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas. Ginawa nila ang pictorial inspired sa mga sikat na Hollywood films kagaya ng Pretty Woman, Brokeback Mountain, Top Gun, Ghost at marami pa.
Tuwang-tuwa ang mag-asawang direk Jun Lana at direk Perci Intalan sa magandang kinalabasan ng pictorial na ginamit nila bago ang streaming nung July 30.
Ipinadala pa raw nila ang screening ng Gameboys The Movie sa asawa ni Raymund na si Jayson Vicente para mapanood na sana nila.
Bumuhos ang mensahe ng pakikiramay sa pamilya ni Raymund.
Ilang celebrities ang nalungkot sa pagpanaw ng magaling na photographer. Hindi lang sa showbiz, sa fashion world, kundi pati sa advertising na madalas ding nakukuha ang serbisyo ni Raymund.
Samantala, naging isyu rin ang pagpanaw ni Raymund, dahil bago pa mankinumpirma ng pamilya niya, ang dami nang nag-post ng pakikiramay sa kanilang social media account.
Hindi ito nagustuhan ng ilan, lalo na’t hindi naman dapat sa kanila manggagaling ang malungkot na balitang ito.
Namataan ko sa group chat ng ilang close friends ni Raymund na kung maaari wala munang may mag-post. Ang isa sa kinu-consider ay ang status ng bank account ni Raymund dito sa bansa.
Alam naman natin na mahirap makuha ito ng pamilya ng namatayan, at may bawas na ito na mapupunta sa gobyerno.
Pero sunud-sunod na ang nagpu-post at hindi na maawat. Tila nag-uunahan nang maka-scoop na sila ang unang nakabalitang pumanaw na ang isang kilalang taong malapit sa kanila.
Kaya halatang iritable si Lea Salonga na nag-post sa kanyang Facebook account na sinabi niyang; “This is my official stance when nes on someone’s passing starts going around (it’s happening enough times even pre-COVID, so let this be a reminder for the future): “Until we get actual confirmation, we say nothing. And until the family makes the announcement, we don’t preempt.
“And whoever does preempt is an asshole. So don’t be an asshole.”
Ganundin ang sentimiyento ni direk Joey Reyes na nagbigay din ng sariling opinyon sa kanyang FB account.
Tama naman! Sana huwag mag-uunahan sa pag-break ng balitang may pumanaw.
- Latest