^

PSN Showbiz

Aktor at female personality na magulo ang utak, regular ang pagpapadoktor dahil sa ADHD

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maraming personalidad ang may ADHD (Attention-Deficit Hyperactivity Disorder). Isang sitwasyong mental ang sumasailalim sa ganu’ng problema na gumagaling naman.

Ibang-iba ang terminong ‘yun sa pagiging bipolar, mas malalim ang gamutan sa ganu’ng sitwasyon, tuluy-tuloy ang gamutan, nang mahabang panahon.

Kuwento ng aming source, “’Yung anak ng isang friend ko, e, nag-undergo ng gamutan sa pagiging ADHD. Mas maganda kasing sa maagang panahon pa lang, e, maagapan na ang problema.

“Maliit pa lang ang anak niya, e, dinala na nila sa isang psychiatrist. ‘Yun ang field of specialization ng doktor na tumi­tingin sa anak niya regularly, ADHD,” unang kuwento ng aming impormante.

Sa tagal na ng pagpapabalik-balik ng kaibigan ng a­ming source sa nasabing clinic ay naging kaibigan na nila ang mga namamahala du’n. Maging ang mga magulang ng mga batang pinatitingnan sa clinic ay nakalapit na rin nila ng kalooban.

Patuloy ng aming source, “Hanggang sa nalaman na ng family ng friend ko kung sinu-sinong personalities ang nagpupunta rin sa clinic. Nagpapagamot sila sa magaling na psychiatrist.

“Sa gabi nagpapa-appointment ang isang kilalang male personality, ‘yung wala nang ibang pasyente sa clinic, special time ang ibinibigay sa kanya.

“Walang-wala sa isip nila na may pinoproblema pala ang male personality, hindi kasi halatado ‘yun, parang maayos naman ang sitwasyon niya.

“Nakaaarte naman siya nang maayos sa mga napapanood nating pelikula at serye niya, lalo na kapag kumakanta siya. Parang wala namang problema ang male personality.

“Pero meron pala dahil wala siyang focus, magulo ang isip niya, naghahalu-halo ang mga sinasabi niya sa mga interview,” kuwento ng aming source.

Ang isa pang kliyente-pasyente ng clinic ay isang pamosong female personality. Pero hindi siya nagsasadya sa clinic, siya ang pinupuntahan ng doktor sa kanyang bahay, nagbabayad siya nang mas malaki.

Sabi ng aming source, “Naku, kahit naman hindi na kami magbigay ng clue, e, madaling hulaan kung sino ang female personality na ‘yun! Maligalig ang utak niya, pabagu-bago, kung anu-ano ang mga pinagsasasabi niya!

“Sabi nga ng iba, e, bipolar siya, kasi nga, halatang-halata naman na iba ang takbo ng utak niya. Wala siyang consistency, kapag may sinabi siya ngayon, siguradong bukas, e, iba na ang takbo ng isip niya!

“’Yung male personality, e, maayos na, naagapan niya ang problema niya, pero ‘yung pamosong female personality? Ganu’n pa rin siya hanggang ngayon, nakakaloka pa rin siya, sa totoo lang!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

LJ, maraming malabong pahayag

Kadalasan, kapag may magkarelasyong artistang nagkakahiwalay, ang simpatya ng publiko ay sa babae. Malaking porsiyento ng awa ang napupunta sa babae kesa sa lalaki.

Sabi nga nu’n ng isang kilalang-kilalang female personality na palaging nakikipaghiwalay sa kanyang mga nakarelasyon, “Isang iyak lang ‘yan on national television. The moment I cry, people will believe me.” ‘Yun daw ang pinakamabisang armas ng mga kababaihan.

May tinatawag kasi tayong sinserong pag-iyak at meron ding luha ng buwaya. Pangharap lang ng mga camera ang pagluha ng iba pero meron namang umiiyak nang sinsero at mula sa puso talaga.

Nakaiyak na si LJ Reyes, nakapaglabas na siya ng emosyon at mga sama ng loob, pero hanggang ngayo’y tahimik pa rin si Paolo Contis.

Sa panukat nating mga Pinoy ay tama lang ang ginagawang pananahimik ng aktor, kahit pa madiin ito nang todo sa hiwalayan nila ni LJ, dahil ang ibig sabihin nu’n ay matinding respeto sa ina ng kanyang anak.

Nalalabuan lang ang marami nating kababayan dahil puro paiwas ang mga sagot ni LJ, hindi niya nilinaw kung totoo bang may third party sa kanilang hiwalayan, pero maraming kaibigan daw niyang nagmamahal at nagmamalasakit ang nagpaparating sa kanya na meron.

Mas naging kaawa-awa pa si LJ nang sabihin niya na tinanggihan ni Paolo ang kanyang tanong kung puwede pa ba silang mabuo bilang pamilya?

Parang naiimadyin lang namin ang napakahabang biyahe ni LJ at ng kanyang mga anak na sina Aki at Summer papuntang New York. Napakabigat nu’n. Napakalungkot ng biyaheng ‘yun dahil kakambal ng kanilang pag-alis ay napakatinding kalungkutan.

Pero ganu’n talaga ang buhay, sugal ang pakikipagrelasyon, nananalo tayo kung minsan at natatalo rin sa pagtaya sa pakikipagmahalan.

Wala nga kasing forever. Kung may simula ay meron ding wakas. Hindi naman kasi bumibida sa mga fairy tale stories ang mga artista na ang palaging pagtatapos ay masaya. “And they lived happily ever after.”

ADHD

FEMALE PERSONALITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with