Maraming celeb, nagluksa sa pagpanaw ni Mahal!
Pagkatapos pumanaw ang komedyanteng si Mahal, ang dami nang kumalat na mga video niya.
Karamihan ay pinik-ap sa ilan sa mga latest na vlog nila ng partner niyang si Mygz Molino.
Isa na nga rito ay ang pagdalaw nila kay Mura sa Guinobatan, Albay na kung saan ay nag-iwan sila ng mga tulong.
Nagbigay ng grocery items, at ang sabi ni Mygz, bibigyan ni Mahal ng dalawang biik para alagaan ni Mura.
Meron naman ngayong kumakalat sa TikTok na video ni Mahal na sinasabing kuha raw ‘yun bago sinugod sa hospital si Mahal.
Nasa sofa si Mahal na parang hirap na hirap huminga. Tina-tap niya ang dibdib na parang hirap na hirap.
Kitang-kita sa video na ‘yun na parang ayaw maniwala ni Mygz at baka pinaglaruan lang siya.
Pero nahihirapan nga raw huminga si Mahal, kaya pinakiusapan si Mygz na dalhin na siya sa hospital.
Pinainom siya ng tubig ni Mygz at nagmadaling nagpalit ng shorts para dalhin na sa hospital si Mahal.
Pagkatapos magbihis ni Mygz, saka sinabi ni Mahal na “it’s a prank!”
Ang buong akala namin, totoong kuha ‘yun bago isinugod sa hospital si Mahal, ‘yun pala plinaytime lang niya si Mygz na alalang-alala naman sa kanya.
Pero ngayon ay hindi na prank. Totoong pumanaw na si Mahal na isa rin sa nagpasaya sa entertainment industry.
Kaya ang dami ring celebrities na nalungkot sa pagpanaw ng naturang komedyante dahil naging bahagi rin siya sa kanilang pagpapatawa sa taumbayan.
KimXi, walang pakialaman sa career
Tiniyak naman ni Xian Lim na hindi pa rin daw mawawala ang KimXi loveteam nila ni Kim Chiu kahit nasa GMA 7 na siya.
Darating din daw ang araw na baka magkatrabaho sila uli, at malay natin baka sa GMA 7. “Why not!” mabilis namang sagot sa amin ni Xian nang humarap ito sa ilang movie press noong nakaraang Martes ng hapon.
Sabi naman ni Xian, hindi raw sila nakikialam ni Kim sa kani-kanilang career.
Kagaya nitong paglipat niya sa GMA 7 para sa drama series nila ni Jennylyn Mercado na Love. Die. Repeat, hindi naman daw niya ipinaalam pa ito kay Kim. Nandiyan naman daw ang suportahan nila sa isa’t isa pagdating sa kanilang career. “Hindi ako nagpaalam because I know suportado namin ang isa’t isa mapaano mang desisyong gawin namin. Even po sa mga proyekto, kunyari po sa mga pelikula or teleserye, never po kami umabot sa point na ‘uy magpapaalam muna ako bago ko gawin ‘to. Even nung nagsisimula pa lang po kami, hindi po kami ganung type ng relationship po namin, hindi po ganun,” saad ni Xian.
Hindi na rin muna si Xian nagkomento sa isyu ni Kim na tila pinagdadaanan ngayon. Wala naman daw siya sa posisyon na sabihin pa ito, although, pinag-uusapan naman daw nilang dalawa. “Definitely kung meron man pong meron siyang pinagdadaanan, napapag-usapan po namin ‘yung mga ganung bagay.
“As a couple, siyempre that’s something we have and we tell each other ng mga hinanakit namin, mga sama ng loob. But it’s part of it, it’s part of being in a relationship,” pakli ni Xian.
Sa ngayon ay naka-quarantine na si Xian bilang paghahanda nila sa taping ng serye nil ani Jennylyn.
Excitement at kaba ang nararamdaman niya dahil karamihan sa makakasama niya sa project na ito ay first time pa lang niyang makatrabaho, isa nan ga rito si Jennylyn.
Sabi pa ni Xian, kung mabibigyan daw sana siya ng GMA 7 ng chance, gusto rin daw sana niyang mag-pitch ng mga nasulat niyang kuwento at subukan ding magdirek.
- Latest