^

PSN Showbiz

Init, dalawang linggo na lang bubuga

Pilipino Star Ngayon

Desperadong-desperado na si Peterson (JM na Guzman) na mawala si Tupe (Gerald Anderson) sa buhay nina Rita (Yam Concepcion) at baby Andrew dahil ipinautos niyang muli na patayin ito sa hit serye na Init sa Magdamag, na napapanood gabi-gabi, 9:20 sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel at Jeepney TV.

Ipinatugis niya ito kay Joko (Manuel Chua) dahil hindi na niya kaya pang makita si Tupe na malapit kay Rita at baby Andrew lalo pa nang tumira ang mag-ina sa bahay ng binata matapos madiskubre na nagtanim si Peterson ng camera sa bahay ni Raymund (Albie Casino).

Ngunit inuusig na ng konsensya niya si Joko (Manuel Chua) at gusto na nitong aminin kay Tupe na si Peterson din ang may pakana sa pagkamatay ng kanyang ama. Napigilan lang siya ni Lab (Boom Labrusca) na gawin ito dahil sila naman ang malalagay sa panganib kapag hindi nito ituloy ang pagpatay kay Tupe.

Patuloy naman ang hidwaan nina Peterson at Rita sa korte para sa annulment. Lubos na ikinagalit ni Rita ang pagfile ni Peterson ng petisyon para sa sole custody ni baby Andrew dahil may ilusyon itong sasama sa kanya si Rita.

Magawa kaya ni Joko na tapusin na ang buhay ni Tupe? Hanggang kailan kaya nila matatago ang katotohang ito kina Tupe at Hannah? Manalo kaya sa custody case si Peterson?

Panoorin ang huling buga ng Init sa Magdamag gabi-gabi, 9:20.

INIT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with