^

PSN Showbiz

Robin nami-miss ang ‘old’ Mariel!

Ruel Mendoza - Pilipino Star Ngayon

Nag-celebrate kamakailan ng kanilang 11th wedding anniversary sina Robin Padilla at Mariel ­Rodriguez.

Pinost ni Binoe sa Instagram ang isang memorable video clip mula sa kanilang 2014 honeymoon.

Caption pa niya: “Isa sa mga honeymoon namin na punung-puno ng katatawanan at adventure. Literal na walang plano ang mga lakad namin basta in the name of love bahala na kung sa’n kami mapadpad. Mula umaga hanggang gabi, tawa lang kami ng tawa. Pinagtatawanan lahat ng nagaganap kahit hindi nakakatawa... Napapatawa na lang ang iba sa mga kalokohan namin lalo kapag naliligaw na kami at wala ng makaintindi sa aming Inglis.”

Nabanggit pa ng aktor na nami-miss na niya ang “old” Mariel.

“Siya talaga ‘yung naging walking talking laughing doll at clown ko. No dull moment... What a wonderful, meaningful and colorful part of my life! Isang napakasarap at napakagandang road trip! Unforgettable. Hindi ko man mai­babalik ang Mariel Rodriguez ko pero napalitan naman ng 2 ang dating ikaw, plakadong plakado ni Maria Isabela ang pagiging performer mo at ni Maria Gabriela ang pagiging pilya at matakaw mo... 2 little Mariel Rodriguez goodness gracious great balls of fire!”

May short na mensahe naman si Mariel para sa kanyang mister na si ­Robin: “11 years. I’d still choose you @robinhoodpadilla happy anniversary.”

Dennis, tuloy na ang biyahe sa Venice

Naghahanda na si Dennis Trillo sa paglipad niya to Italy para dumalo sa 78th Venice International Film Festival na magsisimula sa September 1 hanggang 11.

Official Philippine entry sa naturang festival ang pelikula niyang On The Job: The Missing 8 na dinirek ni Erik Matti.

Wala namang mami-miss na trabaho si Dennis dahil tapos na ang taping nila ng Legal Wives at for airing na ang mga episodes. Kung may mami-miss siya, ito ay ang girlfriend niyang si Jennylyn Mercado at ang anak niyang si Calix.

Kuwento ni Dennis na mami-miss niya ang bonding kay Calix ngayong teenager na ito. Marami na raw pagbabago sa anak niya at thankful siya na nakasama niya ito noong magkaroon ng pandemya.

“Marami na kaming father-son moments. Pareho kaming mahilig mag-biking. Kahit sa music pareho ang gusto namin. Importante na nandyan ako lalo na’t teenager na siya. May mga bagay kasi na ang tatay lang ang makaka-explain sa mga pagbabago sa buhay niya,” sey ni Dennis.

Happy naman si Dennis na may bagong teleserye si Jennylyn sa GMA with Xian Lim titled Love. Die. Repeat.

Black Widow, ipinanganak na ang baby sa pangatlong mister

Sinilang na ni Black Widow star na si Scarlett Johansson ang baby boy nila ng mister niyang si Colin Jost noong August 18. Pinangalanan nilang Cosmo ang baby boy nila.

Post ni Colin sa Instagram: “Ok ok we had a baby. His name is Cosmo. We love him very much.”

Maingat na tinago ni Scarlett ang kanyang pagbubuntis. Unang nabalitang pregnant siya noong nakaraang July, pero wala siyang nilabas na official statement tungkol sa pregnancy niya.

Ayon sa Page Six: “When Scarlett got pregnant, she and Colin kept very quiet about it. She has been keeping a very low profile.”

Ito ang second child ni Scarlett. May 6-year-old daughter siya named Rose from ex-husband Romain Dauriac.

Si Colin ang third husband ng aktres. Una siyang kinasal sa aktor na si Ryan Reynolds from 2008 to 2011 at sumunod ang journalist na si Dauriac from 2014 to 2017.                               

vuukle comment

MARIEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with