‘Wala na akong kinalaman sa career ni Mark’
Gusto kong ipaalam sa lahat na starting today wala na akong kinalaman kay Mark Herras, Salve. Masakit man sa loob ko, naisip ko na baka nga mas gumanda pa ang career niya kung ang GMA Artist Center na lang ang hahawak sa kanya.
After all, dito naman nagsimula ang showbiz career niya ever since.
At para na rin ‘yung nakukuha ko na komisyon mula sa kanya, hindi na mabawas sa konti niyang kinikita.
Nakakaawa naman na ang laki ng cash advance niya sa GMA 7 na binabayaran niya, tapos meron pa akong parte sa talent fee niya.
‘Yung feeling ko kay Mark na parang anak ko siya, hindi mawawala. ‘Yung pangaral ko sa kanya, hanggang ngayon iyon pa rin ang gusto kong sabihin sa kanya. Ayaw ko na lang maging bahagi pa ng buhay niya ngayon, at siguro doon sa mga nagpapakita ng malasakit sa kanya, magawan n’yo ng paraan maayos ang finances niya, career niya, at buhay niya.
Basta starting today, out muna ako kay Mark Herras. Andiyan naman ang Artist Center para alagaan siya, at sana magtagumpay sila. Good luck, wish you well, Mark Herras. You’re on your own now, be happy and safe.
COA, kinatatakutan ng mga kurakot
Ang galing ng ginagawa ng COA o Commission on Audit ha. Ngayon nakikita na natin ang mga spending ng bawat government office.
Nagbukas na ito ngayon ng knowledge para malaman natin ang overspending. Kaloka ‘yung 1M para sa catering para lang sa meeting, ‘yung almost 10M para sa biscuits at mineral water, ‘yung resibo para sa mga biniling gamit na pang babae pero ang resibo na binigay sa hardware store na mali ang address. Bongga ang COA ha.
Bakit ngayon lang ito naglabasan? Dapat every year nakikita natin ito, dapat nasa lahat ng newspapers at balita sa radio at TV. Kung noon pa ito inilalabas, siguro matatakot ang mga gumagawa nito, dahil sure na makikita agad. Bakit ngayon lang?
Nakakaloka ‘yung 1M sa catering ha, at virtual meeting iyon. Bongga. Mineral water at biscuits, ganun kamahal?
Gawin na natin itong regularly, ibalita, ilagay sa diyaryo, TV at radio, proteksiyunan ang COA, ibigay ang tamang respeto sa kanila, purihin sila sa ginagawa nila, naku, ang COA na ang sagot para matakot ang mga gumagawa ng kurakot.
- Latest