Kahit ECQ, showbiz may marami pa ring intriga
Kaya siguro nami-miss ng followers natin ang Take It… Per Minute, Me Ganon, Salve, kasi nga kahit isang oras minsan sa isang linggo para bang mas gusto mo na lang manood ng mga balitang hindi tungkol sa nagaganap ngayon sa bayan natin.
Kahit pa nga medyo wala ring balita sa showbiz dahil parang bawas trabaho rin, kahit papaano may mga balitang mainit, gaya ng Albert Martinez at Faith da Silva o ‘yung bashing ni Agot Isidro sa wedding ng isang party list congresswoman, si Claudine Bautista.
Kaya madaling lumaki ngayon ang mga balita dahil nga gustung-gusto mong maiba naman ang mga naririnig mo, huwag ‘yung pulos COVID-19.
Dalawang linggong wala tayong TIPMMG dahil sa ECQ, kaya sabik na sabik na ang followers nating muli tayong mapanood. Kaya dapat handang-handa si Mr. Fu sa kanyang blind items. At lalo na ang followers ni Cristy Fermin na talagang sobra ang suporta sa kanya, buti na lang at may radio siya kaya ok sa kanila na dalawang linggong pahinga sa online show natin si Cristy sa social media platforms ng Pilipino Star NGAYON at Pang Masa.
Proseso ng bakunahan, may problema!
Ano ba talaga ang problema, ‘yung ayaw magpabakuna o kulang na bakuna? Kasi bakit ang dami namang nakapila para magpabakuna, ‘yung iba nga gusto na ng booster, kaya nagtataka ako kung bakit patuloy pa rin ang panawagan para magpabakuna ang tao.
Baka totoo na meron ngang ayaw, hindi naniniwala. So huwag pilitin, ayaw nila ‘di huwag.
Ang intindihin natin ay ang mga gustong magpabakuna, sila ang unahin, turukan lahat kung meron ngang bakuna, lahat nang gusto, bakunahan. Suwerte ka nga ‘pag may bakuna ka na libre na, maliligtas ka pa sa sakit.
Kaya unahin ang mga gusto, huwag nang kulitin ang ayaw. Huwag nang bigyan ng ranking, senior, bata, bakunahan lahat.
Hindi mo na kasi maintindihan kung bakit ang daming taong nakapila para sa bakuna, tapos may mga balita pang maraming ayaw.
Mag-concentrate na lang tayo sa may gusto, huwag nang aksayahin ang energy para pilitin ang ayaw.
- Latest