^

PSN Showbiz

Butas ni Mocha, nahalukay

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Butas ni Mocha, nahalukay
Pasok na si Mocha Uson sa pag-amin ni Pres. Duterte na user din pala siya ng Facebook at dito niya nakita ang throwback photo ni Manila Mayor Isko Moreno na naka-bikini at sinisilip ang kanyang private part na bahagi ng pictorial nito noon sa pelikula.
STAR/ File

Pasok na si Mocha Uson sa pag-amin ni Pres. Duterte na user din pala siya ng Facebook at dito niya nakita ang throwback photo ni Manila Mayor Isko Moreno na naka-bikini at sinisilip ang kanyang private part na bahagi ng pictorial nito noon sa pelikula.

Viral kasi ang dialogue ni Pres. Duterte sa kanyang Address to the Nation last Monday night na “I saw on Facebook earlier, that stupid is wearing a bikini, then there’s one picture where he’s peeking at his sex organ.

“That’s what you like? Trained like a callboy? Taking off his clothes in pictures?

“That’s the training to become president? Strip and take a picture and peek, brag about their sex organs like Paredes,” na ang tinutukoy ng pangulo ay ang kumalat na sex video noong 2019 ng Apo Hiking Society member at kritiko ng pamahalaan na si Jim Paredes.

At kahit nga hindi pinangalanan ni Pres. Duterte ang nasabing local official pero si Mayor Isko ang artista bago naging pulitiko.

Enter Mocha dahil ba’t daw ito in-appoint pa nang twice samantalang ang background nito ay sexy singer / dancer bilang leader ng all-girl sexy group na Mocha Girls at naungkat na gumawa ito ng pelikulang may pamagat na Butas na sa title pa lang ay alam na kung anong concept nito na ipinalabas noong 2012.

At sunud-sunod din naman ang post ni Mocha at kasama pa nga rito ang isang isyu na diumano’y nakasama niya si Mayor Isko at nang ipakilala raw siya ay sinabi nitong may asim pa siya (Mocha). Pero nangyari raw ‘yun two years ago.

Marami namang nagtanggol kay Yorme Isko lalo na nga’t hindi naman daw ito sexy actor noon dahil strict si Kuya German Moreno.

Ang namayapang si Kuya Germs ang nakadiskubre kay Yorme noon.

But anyway, ang real issue talaga sa kasalukuyan ay ang Delta variant na kahit nag-sneeze ka lang or nagkaroon diumano ng allergy puwedeng meron ka na nito na maraming bata na rin ang nai-infect.

Kaya paalala ni Dr. Tony Leachon, ex-Special Adviser National TaskForce COVID-19, sa Twitter kahapon, “Protect your unvaccinated children < 18. Get vaccinated.  Vaccinated individuals can have breakthrough infections and can’t prevent viral transmission.  “DELTA is cruel.

“Stay home.”

MOCHA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with