^

PSN Showbiz

Kyle Velino nagpapasalamat sa Gameboys

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kyle Velino nagpapasalamat sa Gameboys
Kyle
STAR/ File

Isang malaking bles-sing para kay Kyle Velino ang magkaroon ng kabi-kabilang proyekto sa kabila ng pandemya.

Matapos ang kanyang proyektong Killer Bride sa ABS-CBN at Paano ang Pangako sa TV5, nagpapasalamat ang aktor na ipagkatiwala sa kanya ang role sa series at pelikula ng Gameboys na nakakuha ng ng most number of tickets sold sa KTX.ph nang ipalabas ito sa unang Linggo.

Ginampanan ni Kyle ang karakter ni Terrence Carreon, ang ex-boyfriend ng main lead na si Gavreel Alarcon (role ni Kokoy de Santos). Si Terrence ang third wheel at ka-love-triangle sa Gavreel at Cairo (aka Elijah Canlas) team-up.

Ayon kay Kyle, mahirap ang virtual shoot na talagang sumubok ng kanyang kakayanan bilang isang aktor. “Ang hirap bumuo ng chemistry kapag hindi mo nakikita ‘yung kaeksena mo pero naging maayos naman ang transition noong ginawa namin ang movie,” aniya ng aktor.

Nagbunga ang pagod at hirap ng binata at hindi akalain ni Kyle na magiging maganda ang resulta ng kanyang pinagpaguran at naging mainit ang pagtanggap sa kanya ng mga supporters ng nasabing BL series.

“Sobrang thankful ako dahil naging maganda outcome ng gameboys at minahal naman nila ang character ko as Terrence. Salamat sa lahat ng sumuporta,” said Kyle.

Slowly but surely, natutuwa siya sa takbo ng kanyang karera at mas gusto niya pang makagawa na maraming proyekto, sa pelikula at telebisyon, para mas lalo pa niyang maipakita ang kanyang versatility bilang aktor.

GAMEBOYS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with