^

PSN Showbiz

Mga likha ng pinoy fashion ­designer, ibibida sa Broken Marriage

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Bukod sa matitinding eksena sa upcoming Kapamilya teleseryeng The Broken Marriage Vow, dapat din daw abangan ng mga manonood ang ang mga likhang Pinoy na susuotin ng mga bida at gawa ng iba’t ibang local fashion designers.

Ayon kay Connie Macatuno, ang direktor at costume design head ng serye, sinigurado nilang puro local designs ang lahat ng susuotin nina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, Zaijian Jaranilla, at ng co-stars nila. “Matagal ko nang inisip na makagawa ng isang palabas kung saan gumagamit ng local designs from local designers. Una kong naisip agad, pagsama-samahin silang lahat. Most of the local designers will be there in showcasing their original work. It’s the thing that excited all of us,” sabi ni Direk Connie sa isang video na inilabas ng Dreamscape Entertainment.

Ipinakita rin sa video ang mga damit, sapatos, accessories, mga katutubong tela, at tradisyunal na Filipino clothes na ibibihis sa mga bida. Dagdag ni Direk Connie, nag-enjoy siya sa pagbubuo ng look at style ni Dra. Jill Ilustre, ang karakter ni Jodi Sta. Maria.

Sa pamamagitan ng pagsasama ng Pinoy at global brands sa serye, hangad ni Direk Connie na maitaguyod ang kultura at disenyong Pinoy sa buong mundo.

Susundan ng The Broken Marriage Vow ang kwento ni Jill, isang babaeng biniyayaan ng isang masaya at kumpletong pamilya. Dahan-dahang itong mawawasak sa oras na makutuban niyang niloloko siya ng asawang si David (Zanjoe) kasama ang mas batang kabit nitong si Lexy (Sue).

Ito ang Pinoy adaptation ng hit BBC series na Doctor Foster na ipapalabas sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN na nagkaroon ng Korean adaptation na pumatok din sa Pinoy fans na may pamagat na The World of the Married.

JODI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with