^

PSN Showbiz

Sikat na babaeng personalidad na sa cooking books natutong magluto, pinakikialaman ang luto ng chef

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakakamangha at nakakaloka ang mga kuwento tungkol sa isang kilalang female personality na napakamabusisi sa lahat ng bagay. Mga chef ang nagkukuwentuhan.

Nahilig sa pagluluto ang pamosong female personality, hindi siya nag-aral, mga cooking books lang ang dahilan kaya siya natutong magluto.

Kuwento ng aming source, “Kung ano ang nakahiligan niya, e, walang kahit sinong makapipigil sa kanya. Kung gusto niyang manahi, mananahi siya!

“E, cooking ang nakahiligan niya, kaya nagpa-deliver siya agad ng mga gadgets para sa hilig niya. Bongga ang mga kagamitan niya, siya lang ang meron, ang nagagawa nga naman ng salapi!” unang sultada ng aming source.

Paminsan-minsan ay lumalabas din ang female personality, kasama ang kanyang mga kaibigan ay kumakain sila sa mga kilalang restaurants, napakaraming kuwento tungkol du’n.

Patuloy na kuwento ng aming impormante, “Kilala n’yo naman ang baba­eng ‘yun, palagi siyang pabibo. Alam niya ang lahat, kaya maraming napapahiya kapag umaandar na ang pagiging atrebida niya.

“One time, ipinatawag niya sa waiter ang chef ng isang resto. Binusisi niya ang chef, sabihan daw sana ng chef ang kanyang assistant na matutong mag-prepare ng mga ingredients.

“Take note, napansin lang niya na hindi maayos ang preparation ng mga gulay, hindi maganda ang pagkakahiwa, kaya ang chef ang sinabihan niya!

“Natural, oo lang naman nang oo ang chef para wala nang argumento, pero inis na inis siya sa female personality. Pati ba naman paghihiwa ng mga gulay, e, pinakikialaman pa niya?” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Kumalat ang kuwento, nagkakaroon kasi ng pagtitipon ang mga chef, bumibida sa kanilang mga istorya ang female perso­nality na parang alam ang lahat.

Kuwento uli ng aming impormante, “One time, um-attend siya ng party, bongga ang catering na kinuha ng friend niya, ganu’n din ang nangyari. Kinausap niya ang head waiter, pinuna niya na naman ang preparation ng mga pagkain.

“Ganu’n siya talaga, parang ikamamatay niya kapag hindi siya nakialam! Pati ang hiwa ng mga gulay, pinanghihimasukan niya, samantalang hindi naman siya nag-culinary course at puro cooking books lang ang dinependehan niya!

“Nakakaloka siya! Siya mismo siguro, e, naloloka na rin sa sarili niya!” humahagalpak na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Susunod kay Raymond, inaabangan na!

Sa paglantad sa katotohanan ni Raymond Gutierrez tungkol sa kanyang tunay na kasarian ay maraming artistang lalaking pinagdududahan din ang gender ang hinahamon ngayon ng mga bashers na magpakatotoo na rin.

Sana raw ay tularan nila si Raymond na hindi lang sa salamin umamin kundi sa publiko. Marespetong tinanggap ng marami ang paglantad ni Raymond.

Ilang beses naming nakasama sa pagho-host ng talk show sa TV5 si Raymond. Totoo ang kanyang sinabi na pormalidad na lang ang ginawa niyang pag-amin dahil open-secret naman sa buong showbiz ang tunay niyang estado. Pero walang nagtatanong sa kanya, respeto ang namamagitan, parang hangin lang ‘yun na dumadaan.

Ang mahalaga ay hindi siya nagkukunwaring brusko, wala siyang pretensiyon, nagpapakatotoo siya sa lahat ng oras.

Mahalaga ang kanyang sinabi na suportado siya ng kanyang pamilya at mga kaibigan. Wala nga namang matatakot humarap sa katotohanan kapag alam mong ang unang-unang sasaludo sa iyong pagpapakatotoo ay ang iyong pamilya.

Isandaang porsiyentong suportado ng kanyang mga kapatid si Raymond, maging ang kanyang kakambal na si Richard, ang komento na lang ngayon ng kanyang mga magulang ang hinihintay na marinig ng ating mga kababayan.

Ang importante ay nailabas ni Raymond ang kanyang saloobin, napakagandang senyal din para sa mga tinatawag na kloseta ang sinabi niyang walang dapat ikatakot ang mga may gustong mag-out, ibang-iba ang kaligayahang dulot ng pagpapakatotoo sa mundo.

Tumawag ang isang kaibigan namin, “Kailan naman kaya magpapakatotoo sina ____ at ____? Pandemya na, magpakatotoo na rin sana sila, para hindi na binubusisi pa ang gender nila!”

Open-secret din ang kasarian ng mga lalaking personalidad na tinutukoy ng aming kaibigan, palagi silang pinagpipistahan, pero walang diretsong nagtatanong sa kanila kung miyembro ba sila ng komunidad ng LGBTQ.

Darating din ang eksaktong panahon. Puwede ring makasama na nila sa hukay ang totoo nilang kasarian. Pabayaan na lang nating maging masaya sila sa kanilang konbiksiyon.

Napakaigsi ng buhay. Kung saan tayo masaya at kung kanino tayo maligaya ay du’n tayo.

RAYMOND

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with