^

PSN Showbiz

Kasama sa napakong pangako... bahay ni Onyok, hindi pa rin nakapangalan sa kanya!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kabilang ang 1996 Atlanta Olympic silver medalist na si Onyok Velasco na natuwa sa pagkapanalo ni Hidilyn Diaz ng kauna-unahang Olympic gold medal para sa Pilipinas.

Dasal ni Onyok na huwag sanang mapako ang mga pinangako na incentives kay Diaz tulad sa nangyari sa kanya noong 1996.

“Yung kay Hidilyn, sana matupad lahat para hindi lang si Hidilyn, ‘yung iba pang gustong maging athletes na kabataan, magpursige rin na ganun pala kalaki ‘yung mga binibigay,” sey ni Onyok.

Marami kasing hindi natupad sa mga pinangako na regalo kay Onyok noong manalo siya ng silver medal, kabilang na ang P2.5 million na pinangako noon ng kongreso.

Pati raw ang pinangakong scholarship sa kanyang dalawang anak ng Philippine Navy ay hindi raw nabigay kaya pinagsikapang pagtrabahuan ni Onyok ang pag-aaral ng mga anak.

‘Yung lifetime allowance naman na P10,000 a month ay isang taon lang at bigla itong itinigil. Yung binigay naman na bahay sa kanya ay hanggang ngayon ay ‘di pa tina-transfer ang titulo sa pangalan niya.

Sey ni Onyok: “Ang inaano ko na lang sana, yung titulo lang mai-transfer na ba, kasi nakatira ako doon sa bahay, mamaya bigla akong palayasin doon.”

Sa edad na 22 ay nag-retire agad si Onyok sa boxing.

Mas pinili raw niyang sa Pilipinas magtrabaho para mabantayan ang paglaki ng mga anak niya.

Pinasok ni Onyok ang showbiz at ginawang pelikula ang buhay niya ng Viva Films titled Onyok Velasco Story kung saan nakatambal niya si Ina Raymundo.

Sunud-sunod noon ang mga naging TV shows niya tulad ng Idol Ko Si Kap, Kool Ka Lang, Da Body En Da Guard, Da Pilya en Da Pilot, Ok Fine Whatever, Everybody Hapi, Show Me Da Manny at Toda Max.

Mahusay na writer na si Domingo Landicho, pumanaw na

Pumanaw na ang award-winning writer and professor na si Domingo Landicho sa edad 81.

Isa sa nakilalang nobela ni Landicho ay ang Bulaklak Ng Maynila na nanalo ng C­arlos Palanca Memorial Awards Grand Prize at ginawang pelikula ng Viva Films noong 1999 kung saan nanalo ng grand slam best actress si Elizabeth Oropesa.

Sa Facebook ibinalita ng pamilya ni Landicho ang pagpanaw nito noong nakaraang July 29.

“We thank all those who have been a part of his life. We ask for prayers for the repose of Domeng’s soul,” post ng misis ni Landicho na si Edna May Obien-Landicho.

Nagbigay rin ng tribute ang University of the Philippines Institute of Creative Writing, kung saan resident si Landicho.

Marami pang sinulat na plays si Landicho para sa Philippine Educational Theater Association (PETA). Tumanggap siya ng parangal mula sa CCP Balagtas Awards, Catholic Mass Media Awards, and Institute of National Language Awards.

Sinubukan ding mag-artista noon ni Landicho. Napasama siya sa ilang Filipino actors na nakasama sa kinunang Hollywood film sa Pilipinas na The Year Of Living Dangerously in 1982. Bida rito sina Mel Gibson at Sigourney Weaver.

Modern family actress, pinatunayang hindi 50 ang hitsura

Turning 50 na ang Modern Family star na si Sofia Vergara at para ipakita na ‘di pa kumukupas ang kaseksihan ng Colombian actress, nag-post ito sa Instagram ng mirror selfie kung saan suot niya ay pink bikini.

Nilagyan niya ito ng caption na: “Ready pal weekend!”

Sey ng netizens na hindi pang-Golden Girl ang katawan ni Sofia.

Ang post ng America’s Got Talent judge ay umani ng 962K likes. May higit na 22.5 million Instagram followers si Sofia. (RUEL MENDOZA)

ONYOK VELASCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with